Mga sabong panligo ng nakaraan, naghatid ng nostalgia

Isang pagbabahagi sa Nostalgia Philipines Facebook page ng larawan ng mga sabong naging bahagi ng ating nakaraan ang pumukaw sa mga miyembro nito. Malilimutan mo ba naman ang mga naging suki mong panligong sabon na araw araw mong ginagamit dati?

Para kay Lechhtan Nartleb, “Memories” ang hatid nito na sinag-ayunan naman ng marami.

Makikita rito ang mga brand na Dial, Zest, Lux, Camay, Irish Spring, heno De Pravia, Lifebuoy at Plum Blossom. Sa comments section ay idinagdag rin ng isang netizen ang larawan ng Neko soap.

Umabot din sa 350 comments ang natanggap ng posted na throwback dahil marami nga naman ang makaka-relate sa mga sabong minahal natin noon at malamang ay na-miss n’yo rin.

Kanya-kanyang bida ang mga netizens sa mga naging paborito nilang gamitin at may mga nagsabi na hanggang ngayon ay mayroon pa ring Irish Spring at Heno De Pravia sa merkado bagama’t hindi na nakikita ang mga ito sa ilang supermarket o tindahan.

May suki system man ang karamihan sa atin, aminado rin ang iba na lahat ay sinubukan nilang gamitin. Para nga naman malaman kung ano ang pinakahiyang at magugustuhan.

“All nagamit ko”.

“Except zest, halos lahat nagamit namin iyan sa bahay noong araw. Heno de pravia fave ng late mudra ko mabango kasi.”

“Heno de pravia and Camay sabon ni daddy at mommy, Irish Spring sa mga boys kong kapatid pero like pa rin nila yan hanggang mgayon, ako dial, camay, lux and plum blossom. nagamit naman namin silang lahat like lifebouy and zest.”

All of the above ☺️ nasubok na namin yang sabon lalo na yang CAMAY product dati ng PMC now procter & gamble phil. Jan kase nagwork papa ko nung nabubuhay pa siya.”

May nakapuna rin na bakit tila mas mababango ang mga sabon noon kasi pagkalabas mo ng banyo, amoy na amoy kung ano ang gamit mong sabon eh.

“Ang babango ng sabon noon matagal mawala amoy kahit maliit na.”

Tinipid na nga ba sa bango?  Peace!