Maymay wala sanang balak ipaalam sa foreigner BF na sikat siya sa Pilipinas

Wala palang balak noon ang aktres at model na si Maymay Entrata na ipaalam sa kanyang foreigner boyfriend na si Aaron Haskell na isa siyang celebrity sa Pilipinas.

Sa recent guesting niya sa Magandang Buhay, ibinahagi ni Maymay na ilang buwan din niyang naitago kay Aaron na isa siyang artista. Mary pa ang pakilala niya rito noon; mula sa kanyang tunay na pangalan na Marydale.

“Wala po ako dapat planong sabihin sa kanya pero kasi ‘yong best friend ko po, si Patricia, nadulas po,” pagbabalik-tanaw ni Maymay. “Six months po ‘yon na wala siyang alam talaga pero nanligaw na po siya nung time na ‘yan. ‘Yon ‘yong maganda kasi hindi niya po alam.”

Sa kasalukuyan, nasa isang long distance relationship o LDR ang dalawa at aminado si Maymay na hindi madali ang lahat. Gayunman, grateful daw siya sa consistent na effort ng kasintahan para sa relasyon nila.

“Sobrang hirap po ng LDR, hindi po madali. Parang kung walang maturity sa relationship, hindi po talaga magwo-work ‘yong LDR. Tapos siya po ay sobrang consistent niya talaga na magbigay ng time. Sobrang OA nito pero 24/7 kaming nagtatawagan. Kahit nagtatrabaho siya nandiyan lang ako natutulog or ako nandito, siya natutulog. Hanggang mag-meet ‘yung time namin saka kami mag-uusap or mag-movie,” wika niya.

“Mahirap man pero worth it po siya kasi consistent po siya talagang laging ipaparamdam niya sa akin ‘yong suporta niya. At peace sa puso ko na wala akong dapat ipag-alala sa kung saan man siya roon basta maging safe lang siya. Pero aside from doon sa mga bagay na mababaliw tayo na ‘ano ba?’ o may pagselos, pero wala talaga,” pagpapatuloy niya.

Nauna nang ibinahagi ni Maymay na kapwa sila committed ni Aaron nang pumasok sila sa relasyon kahit pa malayo sila sa isa’t isa. Masaya rin daw siya dahil nararamdaman niya talaga na siya ang priority ng kasintahan.

“Kapag consistent ‘yung nagmamahal sa’yo, araw-araw kang mapo-fall, hindi lang sa umpisa. Araw-araw talaga. Ganito pala ‘yung feeling na ako ‘yung priority,” aniya.

[RELATED-‘Consistent, do’n tayo’: Maymay Entrata masayang-masaya sa BF na si Aaron Haskell]

Panoorin ang recent guesting ni Maymay sa Magandang Buhay: