
Masaya si Mariel Rodriguez sa bagong blessing na natanggap ng kaniyang dating Pinoy Big Brother (PBB) co-host at malapit na kaibigang si Toni Gonzaga.
Kamakailan lang ay ipinasilip ni Toni ang ilang mga kaganapan mula sa idinaos na baby shower ng pangalawang anak nila ng asawang si Paul Soriano. Sa isang Instagram post ay nagpasalamat siya sa mga kaibigan na nag-asikaso nito.
“Super grateful to my dear friends @camillevillarofficial @emaglipayvillar @che.uy168 @marieltpadilla and sisters @cathygonzaga @winniewong for throwing us the most memorable shower! So thankful to our family and friends who celebrated with us this new blessing!” aniya.
Sa kaniyang post naman ay sinabi ni Mariel na deserve ni Toni ang blessing na ito. “Congratulations Soriano family!!!!! We are so happy for you!!! A blessing you guys truly deserve God loves you so much @celestinegonzaga.”
“Big thanks to all our suppliers for making the baby shower awesome!!! I miss all the planning already hehe @camillevillarofficial @che.uy168 @emaglipayvillar @winniewong @cathygonzaga,” dagdag niya pa.
Bago ito ay hindi opisyal na kinumpirma ni Toni ang pagdadalantao ngunit noong Marso ay lumabas ang balitang expecting na ang mag-asawa ng kanilang pangalawang anak.
“Wala pang planong ilantad na buntis si Toni, pati kung ilang buwan ay hindi rin sinabi siguro may hinihintay na perfect time, saka baka kasi ma-stress pag isinapubliko na nila. Alam mo naman ang netizens baka kung ano lang ang masabi,” sabi ni Reggie Bonoan sa isang kolumn sa Bandera.
Sa isang Toni Talks episode kung saan guest si Angeline Quinto ay napansin din ng viewers ang baby bump ni Toni kaya naman agad nilang ipinaabot ang kanilang pagbati rito.
“Ms. Toni, kung totoo man po na preggy ka na sa 2nd Baby mo, isa po ako sa labis na natutuwa para sa inyo. Deserve nyo pong mag asawa ang ulanan ng maraming blessings. God bless and more power,” komento ng isang netizen.
You must be logged in to post a comment.