
Si Kapuso actress Kyline Alcantara raw ang kahulugan ng pag-ibig at maituturing na mundo ng aktor na si Mavy Legaspi.
Sa kanyang recent guesting sa Fast Talk with Boy Abunda, sumagot si Mavy ng mga katanungan tungkol sa pag-ibig.
“Oo o hindi, in love ka ngayon?” tanong ng host na si Boy “Tito Boy” Abunda kay Mavy.
“In love ako, Tito Boy,” sagot ng Kapuso actor.
Nang ipalarawan naman sa kanya si Kyline, marami ang kinilig sa studio nang sumagot si Mavy ng, “My world.”
Pinabuo rin sa kanya ang isang pangungusap na kailangang magsimula sa, “Love is…” Dito, ang naging sagot niya ay, “Love is Kyline Alcantara.”
Samantala, inusisa naman sa aktor kung gaano siya ka-protective kay Kyline.
“Protective? 10, 20, 30, 40, 50…100. Mataas talaga,” natatawang sabi nito.
Sa pagiging istrikto naman, minarkahan lang ni Mavy ang sarili na three out of 10 lang siya pagdating kay Kyline. Hindi naman daw ito sa pagiging konserbatido, kung hindi para sa ikabubuti rin ng aktres.
“I have this agreement with Kyline na she’s free to wear anything she wants. But for example, mini skirt, ganoon, I always remind her na ‘You can wear cycling shorts,’ just in case. Kasi she has instances where she is a very clumsy woman. And I love that about her. But just for her safety. That’s it,” paliwanag nito. “But strict-wise, she’s free what she wants to be, what she wants to wear, how she wants to project herself.”
Sa mismong programa, nalaman din ni Mavy kung ano ang tingin ni Kyline sa kanya nang mag-play ng isang video ng tugon nito sa tanong.
“Protective? Ten. Because he’s a protector. He’s his family’s protector, and he’s my protector,” wika ng aktres. “Strict? Maybe 5. Kasi may rules po siya na kailangan ko sundin, but he’s always giving me a choice kung susundin ko o hindi. Pero kailangan kong sundin dahil sa ikabubuti ko naman din.”
Panoorin ang recent guesting ni Mavy
You must be logged in to post a comment.