‘Hindi basta mamshie!’ Karla Estrada masayang ibinahagi na isa na siyang army reservist soon

Mga larawan mula sa FB ni Karla Estrada

Masayang ibinahagi ng dating momshie host ng “Magandang Buhay” sa ABS-CBN at ngayon ay host ng nagbalik-“Face 2 Face” sa TV5 na si Karla Estrada na malapit na siyang maging opisyal na reservist ng Philippine Army.

“Signified to join the Philippine Army as a Reservist,” caption ni Mama Karla sa kaniyang Facebook post noong Martes, Hunyo 6.

Kalakip ng kaniyang post ang litrato niya kung saan makikita sa kaniyang background ang logo ng “Office of the Assistant Chief of Staff for Reservist and Retiree Affairs” ng Philippine Army,” habang hawak niya ang isang itim na statement shirt.

Mababasa sa statement shirt ang pahayag na “Army reserve citizen responder in war & disaster for the Filipino I volunteer.”

May text caption pa itong “Hindi ako basta mamshie! Philippine Army reservist soon! Para sa Bayan kong mahal!”

Sa isa pang Facebook post, pinasalamatan ni Karla si Senador Robin Padilla sa pag-assist sa kaniya upang maging isang army reservist.

“Maraming salamat SENATOR Robin Padilla for all the assistance. MABUHAY KA,” pasasalamat niya.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

“That’s good Karla Army Reserve, remember when you visit my Firing Range besides Philippines Plaza now Sofitel Hotel teach you how to handle a gun early 1990’s keep safe God bless.”

“Ayos Ma’am Karla. Baka magamit mo ‘yan kapag umaawat ka sa Face 2 Face haha.”

“Its an honor that no one’s exempted to be a reservist. Congrats and keep it up.”

“Salute  Ma’am Karla!”

Sa ulat naman ng KAMI, mababasa sa comment section na marami ang curious kung paano raw naging army reservist si Karla at kung nakapag-training daw ba ito. Soon naman ang nasa post niya so ibig sabihin ay kasalukuyan siyang nagte-training, ‘di ba?

Matatandaang hindi lamang si Karla ang celebrity na naging reservist kundi marami-rami na rin, gaya nina Dingdong Dantes, Gerald Anderson, Julia Barretto, JC Tiuseco, Rocco Nacino, Arci Muñoz, Geneva Cruz, Ronnie Liang, at Matteo Guidicelli.