Christian sa 2004 hit song niyang ‘The Way You Look at Me’: The song that changed my life

Sa 20 years ay marami nang na-achieve ang Asia’s Romantic Balladeer na si Christian Bautista sa industriya ng pag-awit, pero hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa isip niya kung paano binago ng 2004 hit song niyang  The Way You Look at Me ang kaniyang buhay.

Sa recent guesting niya sa Fast Talk with Boy Abunda, inalala ni Christian, na hindi pinalad na magwagi noon ng grand prize sa isang singing competition, kung paano siya nagkaroon ng second chance bilang isang singer dahil sa nasabing kanta; na hindi lamang sumikat sa Pilipinas, kung hindi pati na rin sa Indonesia.

“Hindi ko alam na ang isang bansa na hindi Pilipinas ay mag-a-appreciate ng career ko at ng isang Christian Bautista,” aniya. “Noong first dumating ako roon, they were singing my songs agad na hindi ko alam ‘yon pala ang power of airwaves, TV, and radio.”

“I was in an Indonesian stage with a 40-piece orchestra, and they were singing The Way You Look at Me. I felt really good,” pagpapatuloy ng aktor. “Honestly, noong natanggal ako, I thought it wasn’t for me. Balik na ako sa office or landscape architecture or what. Pero parang na-realize ko, ‘Okay let’s give it another shot.’ And then, nag-audition ako sa isang label and then, binigay sa akin ‘yung ‘The Way You Look at Me’, the song that changed my life.”

Sa kasalukuyan, hindi na lamang isang tagumpay na mang-aawit, kung hindi isang mentor at judge na rin si Christian.

Bukod sa karera, masaya rin ang singer sa piling ng kanyang asawang si Kat Ramnani. Kapwa sila naghihintay sa tamang panahon kung kailan sila bibiyayaan ng anak.

[RELATED-‘When the Lord gives us that child…’: Christian at Kat nananalig at hindi nape-pressure magkaanak]

“We’ve been praying for it and trying. We’re thankful for all the medical advances that are there to assist us. Not maybe our time right now but hopefully in the future,” ani Kat.

“When the right time comes, I guess. When the Lord gives us that child. We’re also of course, longing for a family of our own,” saad naman ni Christian.

Panoorin ang guesting ni Christian sa Fast Talk with Boy Abunda: