
Nagulat ang misis ni Sen. Robin Padilla na si Mariel Rodriguez-Padilla nang aminin ni Kapuso star Bea Alonzo na nagkaroon siya ng dating karelasyon na halos araw-araw siyang pinapatimbang sa weighing scale upang malaman kung nadadagdagan na naman ang kaniyang bigat.
Nangyari ang pag-amin sa vlog ni Mariel kung saan guest niya si Bea. Matatandaang nauna nang makapanayam ni Bea si Mariel sa kaniyang “lie detector test” vlog na mapapanood sa kaniyang YouTube channel.
Sa puntong ito, si Bea naman ang kumasa sa challenge ni Mariel, na pinamagatan niyang “Two Truths and a Lie.”
“Tonight, we will be joined by the movie queen, (Bea Alonzo) para makiuso sa mga trends! We will be doing 2 Truths and a Lie at malalaman natin kung marunong nga ba kaming magsinungaling. Ang dami rin naming discoveries about each other kaya naman makisali na rin kayo sa panghuhula! So join us!” mababasa sa caption ng YT channel ni Mariel.
Umikot ang paksa sa aspeto ng “work,” love,” “dating,” “travel,” at iba pa. Nagbigay sila ng tatlong detalye sa kanilang buhay at huhulaan nila sa isa’t isa kung ano ang “lie” o kasinungalingan lamang.
Pagdating sa kaniyang naging love life, dito na nabanggit ni Bea ang tatlong detalye. Una, na-reject daw niya ang isang guy na may namuong tuyong laway sa gilid ng bibig, habang sila ay nasa date.
Pangalawa, nagkaroon daw siya ng isang dating karelasyon na lagi siyang pinapagamit ng weighing scale upang malaman ang kaniyang timbang.
Pangatlo, nakipag-break daw siya sa isang guy sa araw mismo ng kaniyang kaarawan.
Tama ang hula ni Mariel na ang pangatlo ang lie; samakatuwid, tama ang naunang dalawang detalyeng binanggit ng tinaguriang Movie Queen of Her Generation.
Hindi naman idinetalye ni Bea kung sino ang ex na kaniyang tinutukoy.
“Meron akong naging jowa na pinagwe-weighing scale ako almost everyday just to check if I’m heavier,” ani Bea.
Kitang-kita naman ang facial expression ni Mariel na tila nadismaya sa kaniyang narinig. Hindi naman na nag-urirat ang misis ni Sen. Robin Padilla kung sino ang ex na ito.
Nanghinayang naman si Bea sa guy na naka-date niya ngunit may tuyong laway sa gilid ng bibig dahil guwapo pa naman daw ito. Hindi tinukoy ng aktres kung taga-showbiz ba ito o pribadong citizen.
Sa pangatlo naman, hiniwalayan niya ang karelasyon sa mismong birthday niya at hindi sa birthday nito.
Kaya naman, sa ulat ng Balita, kaniya-kaniyang hula ang netizens kung sino ba sa mga kilalang celebrity ex-jowa ni Bea ang “Mr. Weighing Scale.”
Sa showbiz, dalawa lamang ang nakilalang ex ni Bea; ito ay ang Kapamilya actors na sina Zanjoe Marudo at Gerald Anderson.
Matatandaang noong Abril 2023, nauna nang sinabi ni Bea na may polycystic ovary syndrome o PCOS, at hypothyroidism siya na pawang dahilan kung bakit mabilis siyang mag-gain weight, na napaulat din sa GMA News Balitambayan.
Sa kasalukuyan, masaya na ang buhay pag-ibig ni Bea dahil kay Star Magic artist Dominic Roque.
Panoorin:
You must be logged in to post a comment.