
Kapag narinig mo ang ‘Siargao’, siguro maiisip mo agad sina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo na humakot ng atensyon at paghanga dahil sa kanilang love story na nagsimula limang taon na ang nakararaan.
Ang 33-anyos na aktres at ina na si Andi – Andrea Nicole Guck Eigenmann sa tunay na buhay – ay proud na nagbahagi ng kanyang mensahe para sa pinakamamahal niyang fiance na si Philmar, isang kilalang surfer, para sa kanilang anibersaryo.
Aniya sa Instagram video post nitong Hunyo 28, “5 YEARS! Gikan sa pagka iban kada- adlaw, hangtod sa pagningkamot sa ato mga pangandoy para sa ato kinaugalingan labi na sa ato pamilya sanan an mga bata. Waya nay lain pa na pilion ko maka iban sa hangtod na hangtod. LOVE YOU MAHAL @chepoxz!… broken siargaonon and all.”

Nagbigay naman ng translation ang isang kaibigan ni Andi, si mjinir_0726 – para sa mga hindi nakaiintindi ng diyalekto ng mga taga-Siargao.
Sabi umano ni Andi sa kanyang post, “5 years! Simula nang magkasama tau sa araw-araw, hanggang sa pagsisikap natin para sa mga pangarap natin sa ating mga sarili lalo na sa pamilya at mga anak natin. Wala na akong ibang pipiliin na makasama habang buhay. Love you Mahal.” ❤️👏
Kilig at paghanga naman ang tugon ng mga IG followers ni Andi. Marami ring bumati sa kanilang anibersaryo.
Happy Anniversary power couple of Siargao 😍🔥❤️
Wow galing mo na mag siargaonon Ms Andi 😂😂😂 …happy Anniversary sa inyo dalawa.. God bless you both and family ❤️❤️🙏
Ako lang ba parang naiyak sa message niya? 🥰 Happy anniversary sa Inyo
Matatandaang nagdesisyon si Andi na iwan ang kaniyang buhay bilang artista at manirahan sa Siargao kasama ang mga anak at partner na si Philmar.
Bagama’t masaya na sa buhay sa isla ay hindi raw naging madali para kay Andi ang mag-adjust noong bago pa lang siyang naninirahan doon, lalo na at wala ang mga kaibigan at pamilya niya roon.
“At the beginning even if ayun nga ang pinangarap ko, hindi naging madali. I still had to adjust some ways, especially since I did not have a family here. I don’t have my mom or any of my siblings and best friends,” sabi ni Andi sa isang lumang panayam.
Five years after, ayan na sila ng kanyang pamilya sa kanilang home sweet home sa Siargao, kasama rin si Ellie na kanyang panganay na anak.
Napapanood ang mga video ng kanilang pamilya sa kanilang YouTube channel na “Happy Islanders“.
You must be logged in to post a comment.