
So ayun; ang pagpaparehistro ng subscriber identity module o SIM cards ay in-extend na hanggang July 25 (o 90 na araw matapos ang naunang April 26 deadline, ayon sa anunsyo ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla.
As of April 23 kasi, lumabas sa data ng National Telecommunications Commission (NTC) na nasa 82,845,397, o 49.31 percent pa lamang ng SIM cards ang naiparehistro.
Panawagan ni Sen. Grace Poe na siyang sponsor ng Republic Act (RA) 11934 or the SIM Registration Act,
mas i- boost pa ang information dissemination kaugnay dito upang mas mahikayat ang mga hindi pa rehistrado ang SIM.
Pagdidiin niya, “SIM registration was meant to promote the responsible use of SIM and to halt the abuses of scammers and criminals. It is not meant to punish legitimate SIM subscribers, especially those at remote areas.”
Ang extension hanggang July 25, harinawa, ay makatulong umano upang mas matugunan ang mga kalituhan at alalahanin ng ibang mga registrants kaugnay sa batas na ito.
Bakit nga ba atubili pa ang mahigit kalahati (50% plus) ng mga SIM card holders?
Well, para sa mga nag-aatubili o nagugulumihanan, naglabas ang Mobile brand TNT ng ilang video upang mas malinawan at maaliw na rin ang mga viewers.
“TNT has always been fun-loving brand that delivers ‘saya’ to Filipinos, which is why we thought of coming up with a public service announcement that is both informative and entertaining to effectively show the dangers and hassles that come with failing to register your SIM,” pagbabahagi ni FrancisE. Flores, ang SVP at Head ng Consumer Wireless Business – Individual sa Smart.
Nariyan ang catchy ad video “Hu u po?“ng isang mag-anak kung saan isang ‘estranghero’ ang biglang kumatok sa kanilang pinto. Iyun pala ang ina ngunit hindi siya pinapasok dahil hindi niya napatunayan ang kanyang identity.
Ang pangalawa ay ang “OTP Please” kung saan isang lalaki ang magke-claim sana ng remittance bilang si Jok O. Martin ngunit wala siyang maibigay na OTP (one-time password) sa personnel ng remittance center.
Hiningan siya ng mga patunay na IDs at ipinakita niya ang mga naka-tattoong grad photo, driver’s license at SSS ID. hahaha Isinali na rin ang birth certificate sa kanyang bandang puwitan. 🙂 Need niya pa raw ipa-xerox, two copies. Lols Ang hassle, ‘di ba?
Ang pangatlo ay ang “Musta na Pre” kung saan isang lalaki ang nagpapadala at nakatatanggap ng mga mensahe sa pamamagitan ng mga kalapati niya. Hindi mo na kasi magagamit ang mga social media accounts mo na konektado sa made-deactivate mong SIM.
Mapipilitan ka nang maghanap ng ibang paraan para mag-flex o mangumusta. Gusto mo bang mangyari ‘yun?
Ang mga nakapanood na ng mga TNT videos ay nagbigay ng papuri at appreciation dahil sa creativity nito. Safe sigurong sabihin na epektibo ang kanilang ginawang ads dahil nangunguna ang Smart at TNT sa bilang ng SIM registration as of April 23.
Ayon sa PNA article, ang DITO ay may 5,796,175 o 38.73 percent; ang Globe: 37,099,437 o 42.77 percent at ang SMART: 39,949,785 o 60.25 percent.
Tiyaking registered na ang mga SIM ng inyong pamilya para patuloy na ma-enjoy ang mga online accounts at matiyak na wala nang ‘unknown numbers’ na magpapakalat pa ng mga scam messages.
Basahin: SIM card registration extended for 90 days
You must be logged in to post a comment.