Sam sa pagkaka-link kay Alden noong wala pang Aldub: ‘He was too young’

Bago nagkaroon ng Aldub o ang tambalang Alden Richards at Maine “Yaya Dub” Mendoza, nauna nang na-link ang aktor sa aktres na si Sam Pinto. Ngayon, pagkalipas ng ilang taon, nagsalita na ang aktres tungkol sa pagkaka-link nila.

Sa recent episode ng Fast Talk with Boy Abunda, kinumpirma ng aktres na nagkaroon sila ng dinner date sa yate noon bilang bahagi ng promotion ng kanilang pelikula. Gayunman, naisip daw ni Sam na masyadong bata si Alden para sa kanya.

“Yes,” natatawang tugon ng aktres. “Masyado siyang bagets.”

“What did you discover about the young Alden?” tanong ni Tito Boy.

“He was too young,” natatawang sabi na naman ni Sam. “But it was a nice date though. It was in a yacht.”

[RELATED: Winwyn may inamin tungkol sa ‘nakaraan’ nila ni Alden: ‘Hindi ko kasi alam kung nanligaw ba talaga siya’]

At kung magkikita man ulit sila, magiging maayos naman daw siguro ang kanilang pagtatagpo.

“Ever since he’s the sweetest naman kasi,” aniya.

Ngayon ay kasal na si Sam sa basketball player na si Anthony Semerad, na nagkataon namang mas bata sa kanya ng dalawang taon. Mayroon na silang isang anak.

Samantala, abala naman si Alden sa pagpapabuti ng sarili bilang isang aktor at isang indibidwal.

Nauna nang ibinahagi ng aktor kung gaano siya nagpapasalamat sa tuloy-tuloy na growth niya.

“Hindi naman talaga lagi smooth sailing ‘yong buhay natin pero everything that has happened, at the end of the day, may mga learnings ako roon. So I’m very grateful for it,” saad ng aktor, na ibinahagi rin kung gaano kahalaga na lumabas ng comfort zone sa kabila ng lahat ng pangamba.

[RELATED – Alden sa paglabas sa comfort zone ngayong 2023: ‘Yong nagbibigay ng kaba, ‘yon ang mga dapat mong ginagawa]

“‘Yong [mga nagbibigay ng] kaba, ‘yong [nagbibigay ng] nervousness, ‘yon ang mga bagay na dapat mong ginagawa kasi it means hindi ka sure sa outcome. As opposed to you’re just in your comfort zone na alam mo na ang lahat ng turnout ng mga ginagawa mo,” saad niya.

Panoorin ang guesting ni Sam sa Fast Talk with Boy Abunda: