
Maraming netizens ang naiintriga kung magbabalik nga ba sa ere ang iconic game show na ‘Who Wants To Be A Millionaire’ na sinubaybayan ng mga Pinoy noong 2000s.
Ito ay matapos mag-post sa Twitter si Robi Domingo ng tila indikasyon na siya ang posibleng maging host ng WW2BAM bagama’t wala pa naman itong kumpirmasyon.
Nasasaad kasi sa Twitter post ni Robi ang mga katagang ‘50-50’, ‘Phone a Friend’ at ‘Ask the Audience’; ang mga lifeline na ibinibigay sa mga contestants ng nasabing game show.
Subalit tikom pa rin ang bibig ng Kapamilya host kung muli ngang mapapanood sa telebisyon ang WW2BAM at kung kasama ba siya sa pagbabalik ng proyekto.
“I need to ask the audience kung anong mangyayari or I will use another lifeline, 50-50. But let’s see,” pasimpleng tugon ni Robin ang tanungin siya ng ABS-CBN News tungkol dito.
Samantala, marami naman ang excited kung sakaling magbabalik nga ang ‘Who Wants To Be A Millionaire’.
“Wow magbabalik ba?” komento ng isang netizen.
“Woohhh. May comeback? HAHAHAHAHA Congratulationsss…Proud of you always. Gusto ko rin maging millionaire HAHAHAH,” saad naman ng isa pa.
“Sana maging contestant aq dyan. I volunteer agad agad hehe,” wika rin ng isang Twitter user.
“For real !? Excited here !!Congrats in advance … wanna be a millionaire!” pahabol ring komento ng isang netizen.
Mayroon namang nag-suggest na sana raw ay ibalik rin ang Kapamilya game show na ‘Game Ka Na Ba?’ kung saan naging hosts sina Kris Aquino at Edu Manzano.
Hirit naman ng isang commenter, kung sakali raw ay maaari itong ipantapat sa ‘Family Feud’ ni Dingdong Dantes na ipinalalabas sa GMA 7.
Ang Pinoy version ng WW2BAM ay unang umere sa IBC-13 noong Nobyembre 13, 2000 hanggang Disyembre 14, 2002 kung saan naging host ang batiking aktor na si Christopher de Leon sa ilalim ng production ng Viva Television.
Muli itong binuhay sa Channel 5 noong Mayo 23, 2009 at tumagal hanggang Nobyembre 22, 2015 kung saan naman itinampok ang komedyanteng si Vic Sotto bilang host.
Kabilang sa mga celebrity contestants na nanalo sa game show ay sina Sharon Cuneta, Lucy Torres-Gomez, Senator Chiz Escudero, Ruffa Gutierrez, Gloria Diaz at Aiza Seguerra.
Panoorin ang isa sa mga naunang episode ng WW2BAM:
You must be logged in to post a comment.