
Pumanaw na ang tinaguriang ‘Queen of Rock n’ Roll’ na si Tina Turner sa edad na 83 anyos nitong Miyerkules, Mayo 24.
Ayon sa mga ulat, hindi na nagising sa kaniyang pagkakatulog ang music icon sa kaniyang bahay sa Kusnacht malapit sa Zurich, Switzerland. Siya ay tuluyang namaalam matapos ang ilang taong pakikibaka sa isang mabigat na karamdaman.
Nagsimula ang karera ni Tina Turner sa mundo ng musika noong 1957 bilang si Little Ann na kasapi ng grupong ‘Kings of Rhythm’ ni Ike Turner.
Tuluyan siyang namayagpag bilang solo artist noong dekada 80 at kabilang sa kaniyang mga pinasikat na kanta ay ang “What’s Love Got to Do with It” na nanalong ‘Record of the Year’ sa 1984 Grammy Awards at nakapasok pa sa Billboard Hot 100.
Ilan pa sa mga awiting pinasikat niya ay ang ‘Private Dancer’, ‘The Best’, at ‘We Don’t Need Another Hero (Thunderdome)’ na naging soundtrack sa pelikulang ‘Mad Max: Beyond Thunderdome’ kung saan gumanap din siya bilang kontrabidang si ‘Aunt Entity’ at nakasama si Mel Gibson.
Bumuhos naman ang tribute kay Tina mula sa mga kapwa-singers, mga nakasama sa industriya at ilang kilalang personalidad.
Heto ang ilan sa kanila:
“Tina Turner showed others who lived in fear what a beautiful future filled with love, compassion, and freedom should look like. Her final words to me — for me — were ‘You never mimicked me. Instead, you reached deep into your soul, found your inner Tina, and showed her to the world” – Angela Basset
“She was powerful. She was unstoppable. And she was unapologetically herself.” – Barack Obama
“Not only will I miss that eternal ball of energy named Tina Turner but the entire world will also find this void in their lives. … Rest in Peace my friend!” – Dionne Warwick
“I’ll be forever grateful for the time we spent together on tour, in the studio and as friends.” – Bryan Adams
“I’m so saddened by the passing of my wonderful friend Tina Turner. She was truly an enormously talented performer and singer. She helped me so much when I was young and I will never forget her.” – Mick Jagger
Heto naman ang isa sa mga kantang kaniyang pinasikat noon:
You must be logged in to post a comment.