Paolo Contis kay Yen Santos: ‘Nung lahat palayo, siya palapit’

Inamin ng aktor na si Paolo Contis na mas lalo siyang napamahal sa girlfriend na si Yen Santos dahil hindi siya nito iniwan sa gitna ng natanggap nilang matinding pambabatikos sa social media.

Sa panayam ng GMA reporter na si Nelson Canlas kay Paolo noong April 27 na inilabas sa Spotify nitong May 30 ay sinabi ni Paolo na kahit may pagkakataon sana si Yen na iwan siya sa gitna ng kontrobersiya ay hindi nito ginawa.

“When the whole thing started, when the whole crucifixion started… She had every opportunity to tell me or to leave. But she stayed. Sa totoo lang, ang laki-laking bagay nun,” paliwanag niya.

“Nung kumalat, she stayed. Hindi mo ba mamahalin ‘yun? During the time that some of my friends, some of the people who actually believe me were leaving, someone stayed. Kumbaga, nung lahat palayo, siya palapit.”

Inusisa rin siya ni Nelson kung nakikita niya ba ang sariling magpapakasal balang araw.

“Maraming nagsasabi sa akin na hindi. Of course I do. I want that day to come. Before that happens, I want to fix everything. In all aspects of my life, I want to fix my relationships sa lahat ng aspeto. Sa mga nakaaway ko, sa mga anak ko, lahat yun. Kapag lahat yun hindi maayos, tingin ko, never akong magiging buo enough para maging maayos na asawa,” aniya.

Aminado rin siya na nakararamdam siya ng lungkot dahil miss niya na ang anak kay LJ Reyes na si Summer.

“‘Pag sinabi kong malungkot na naman ako, titirahin na naman ako. Pero that’s the truth. I am very, very sad about it. They don’t believe me, I don’t care. I miss Summer every day. I really do. I have videos of her. I always watch it everytime I wake up. I look at pictures all the time,” ani Paolo.

Gayunpaman ay hindi raw siya nawawalan ng pag-asang makabubuo siya ng maayos na relasyon dito.

Samantala, kamakailan lang ay inanunsyo ni LJ ang engagement sa non-showbiz boyfriend na si Philip Evangelista.

Basahin: LJ Reyes engaged na sa non-showbiz boyfriend