
Naging laman ng social media at maging ng iba’t ibang news reports ang panawagan para sa lolang nag-aalaga sa kanyang adopted child na may autism.
At nitong Linggo, binisita ng Kapuso Mo, Jessica Soho at ni Miss Universe Philippines Michelle Dee ang mag-inang Elvira, 92, at Ronalyn, 45.
“Maliit pa siya noong nakuha ko. Hindi ko alam. Habang lumalaki siya may iba, do’n ko pina-check. Sinabi nila, she’s an autistic,” wika ni Nanay Elvira na biyuda at madalas ay inaabutan na lamang ng pagkain ng mga kapitbahay. “Mga kapatid ko nasa America lahat.’Yon ang malimit sabihin sa akin ng mga kapatid ko ro’n, ‘Give her up.’ Hindi ko ‘yon magagawa….Paano kung mapunta siya sa mga kamay na hindi mabuti?”
“Halimbawa mawala ako, paano siya? Naisip ko rin ‘yan, kung sinong pupuntahan ko, ihabilin ko. ‘Pag nakikita ko siya, awa ang unang pumapasok sa isip ko, sa puso ko. Hindi ko ma-explain kung gaano ko kamahal,” pagpapatuloy ng ina.
[RELATED – Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee itinuturing na lucky charm ang inang si Melanie Marquez]
Bilang advocate ng “autism awareness, autism acceptance, and inclusivity”, hindi nag-atubili si Michelle na dumayo sa kinaroroonan ng mag-nanay. Ang half-brothers kasi ni Michelle sa inang si Miss International 1979 Melanie Marquez na sina Adam at Mazen ay kapwa nasa autism spectrum.
“The common terms would be like, ‘retarded’ or ‘stupid’ or ‘dysfunctional,'” aniya. “I always defended them if anything because that’s what we do with family. But at the same time, it was so frustrating for me to see how they were being treated.”
Kinausap ni Michelle ang mag-ina. Ibinahagi niya na mayroon din siyang mga mahal sa buhay na nasa autism spectrum at ipinangako na darating ang tulong na kinakailangan nila, kabilang na ang mula sa Autism Society of the Philippines.
“Rona, lumaban ka lang ha? May silbi ka sa buhay. Dapat masaya lang tayo palagi, mabait sa kapwa. Dapat lahat ng gawin natin puno ng pag-ibig,” aniya. “Huwag kang mag-alala, darating din ‘yong tulong, okay?”
Kapwa rin pinatingnan sa doktor ang mag-ina at ipinalinis ang bahay nila na hindi na halos maasikaso ng lola dahil sa pag-aalaga sa anak na may espesyal na pangangailangan.
Panoorin ang nasabing KMJS episode:
You must be logged in to post a comment.