Mom of two LJ Reyes inulan ng suporta matapos ianunsyo ang engagement

Bumuhos ang mga mensahe ng pagbati at suporta para sa aktres na si LJ Reyes matapos nitong ibahagi sa kanyang Instagram friends and followers ang mga larawan mula sa engagement nila ng non-showbiz boyfriend na si Philip Evangelista.

“’For I know the plans I have for you,’ says the Lord. ‘They are plans for good and not for disaster, to give you a future and a hope.’ ‭Jeremiah‬ ‭29‬:‭11‬ ‭NLT‬‬,” sabi ni LJ sa caption.

Isa sa mga unang bumati kay LJ ay ang naging co-host niya sa talk show na ‘Mars Pa More’ na si Camille Prats. “Maaaaars!!!! so so happy for you!!!! Kaya ka pala nananahimik dyan ah!!!!” masayang komento nito.

Samantala, sumang-ayon naman si Melissa Ricks sa Bible verse na ibinahagi ni LJ. “Amen!!! God truly is good! He has better plans for us than we have for ourselves!! Congratulations Lj!!” sabi niya.

“So, so happy for you, LJ. Congratulations!! Finally. Someone who sees and values you for who you are, a beautiful treasure,” komento naman ni Sitti Navarro.

Ilan pa sa mga bumati kay LJ ay sina Gary Valenciano, Sheena Halili, Cristine Reyes, Marian Rivera, at Carla Abellana.

Maging ang ilang netizens ay nagpahayag din ng suporta para sa aktres. “Been silently rooting for you. So glad you’ve finally found the right one. Wishing you both love, faith, and happiness.”

“Grabe magmahal ang Lord! Dito mo marerealize bakit inallow ng Lord ang bagay-bagay. Kasi gusto nya itama ang lahat,” sabi naman ng isang Instagram user.

Ayon naman sa PEP, bagama’t ayaw na sanang magbigay ng komento ng dating partner ni LJ na si Paolo Contis ay sinabi nitong masaya siya para sa aktres.

“Masaya ako for her kasi deserve niya maging masaya,” sabi ni Paolo.

Matatandaang naging kontrobersyal ang hiwalayan nina LJ at Paolo matapos madawit dito ang itinuturong third party na si Yen Santos.

Samantala, wala pang ibinabahaging ibang detalye si LJ kaugnay ng kaniyang new-found love.