Mariel Padilla aminadong nakilala ang mga tunay na kaibigan nang pumasok sa politika ang asawa

Naniniwala ang aktres na si Mariel Rodriguez Padilla na nakilala niya ang mga tunay na kaibigan nang tumakbo sa pagka-senador ang asawang si Sen. Robin Padilla.

Sumalang si Mariel sa lie detector test sa vlog ni Bea Alonzo kamakailan at inamin ni Mariel na nasaktan siya sa mga nagsalita laban sa kaniyang asawa.

“Siguro that’s why you really cannot put politics joined sa friendship. Siyempre may part na mahe-hurt ka but at the end of the day, kung aalagaan ko ‘yung hurt na ‘yun, kami lang naman ang talo eh,” paliwanag niya.

“Okay na sa akin na hindi mo kami tinulungan pero at least hindi ka nagsalita against us. ‘Yung nagsalita ka pa against us, hindi ko na ‘yun matatanggap.”

Aminado rin siya na apektado siya kapag may mga nababasang hindi magandang komento tungkol sa asawa ngunit pinipili niya na lang na ‘wag nang pumatol.

“Sometimes when it’s about Robin, mas na-a-affect ako na gusto kong mag-answer back. Kaso feeling ko baka, one, lalaki lalo. Two, hindi ko naman alam talaga what I’m saying tapos maging worse pa ‘yung situation so hindi na lang.”

Tinanong din siya ni Bea kung may mga ginawa ba siyang adjustment bilang asawa ng senador.

“Kasi kapag politician’s wife ,’di ba, parang bawal mag-shopping or baka may masabi,” ani Bea.

“Excuse me. Sobra kong sipag para sabihin nyo sa akin na ‘wag akong mag-shopping ha. At saka, bago pa siya maging senador, nagsha-shopping na po ako,” tugon dito ni Mariel.

Gayunpaman ay may mga pagkakataon daw na hindi nila nakakasama si Sen. Robin dahil kailangan nitong magtrabaho.

“We went to El Nido, he couldn’t come. Why? May office siya. Hindi siya kasama so ‘yun ‘yung mga adjustments na, sayang. Saka ‘yung time for my kids, pero Robin makes up for it naman. Pag pwede, iaano naman niya kasi he values the time that he can do it with the kids.”