
“Never give up on love…” tila ‘yan ang naging linyahan sa buhay ng 35-anyos na aktres na isang “StarStruck” alumna (Season Two).
Nitong ika-30 ng Mayo ay ibinahagi ni LJ ang labis niyang kasiyahan sa biyayang hatid sa kanya ng Divine Creator.
Sa isang Instagram post ay makikita ang lubos niyang kagalakan sa mga larawang ibinahagi niya sa kanyang account.
Aniya sa kanyang caption, “For I know the plans I have for you,” says the Lord. “They are plans for good and not for disaster, to give you a future and a hope.” Jeremiah 29:11 NLT
Tinag ng aktres ang kanyang fiance na si Philip Evangelista, na nakabase sa New York City.
Parehong nakasuot ng puti ang magkasintahan sa isang open area at sa unang larawan ay makikitang nakaluhod ang kanyang nobyo habang tangan ang engagement ring na iniaalay niya kay LJ.
Will you marry me?
Walang dudang inilahad na ni Philip ang intensyon nitong maging kabiyak ng kanyang puso.
Sa mga sumunod pang larawan ay makikita ang labis na kasiyahan ni LJ at ang tears of joy na bumalong sa kanyang mga mata na pinapahid naman ng kanyang kasintahan. Awww
Buwan ng Setyembre taong 2021 nang pumutok ang paghihiwalay nina LJ at ng aktor na si Paolo Contis na naghatid ng kontrobersiya. Tumulak pa-America ang aktres at isinama niya ang anak nila ni Paolo na si Summer at ang panganay niyang si Aki na anak niya sa isa pang aktor na si Paulo Avelino.
Sa pagsisimula ng taong kasalukuyan ay ibinahagi pa ni LJ ang pagbitaw niya sa nakaraang panahon. Aniya sa isang IG post, “To the most humbling year that I will put behind, so long 2022! I will keep all the learnings close to my heart and move forward with brightest hope and unwavering faith. I am blessed to have my kids with me no matter what.”
Hindi naman nagtagal ay may dumating palang bagong pag-ibig na ang pangako ay panghabambuhay.
“Yes, I will!” Halos narinig na natin ang tugon ni LJ kay Philip base sa mga larawan ng kaligayahan nilang dalawa.
Ilan sa mga celebrity friends at colleagues ay agad agad namang nagpaabot ng pagbati kay LJ at sa kanyang kasintahan. Kabilang dito sina Marian Rivera, Iza Calzado, Carla Abellana, Camille Prats, Ryza Cenon, Sheena Halili, Andrea Torres atbp.
Congrats, LJ and Philip! Best wishes in advance!
You must be logged in to post a comment.