
Tila kinumpirma na ng aktres na si Kris Aquino ang relasyon nila ni Batangas Vice Gov. Mark Leviste.
Sa isang video na ibinahagi ni Kris kamakailan ay nagpasalamat siya sa lahat ng mga patuloy na sumusuporta sa kaniya at kaniyang mga anak na sina Joshua at Bimby.
Sa huling bahagi ng video ay sinabi ni Kris na pakiramdam niya ay hindi sapat ang pasasalamat na ibinibigay niya kay “Marc” para sa lahat ng ginagawa nito para sa kaniya.
“I’ve been so unfair in not THANKING you enough for all your effort to be here whenever i need you, for all the times my past has made me so jaded that i keep breaking up with you all because i didn’t believe a long distance relationship stood a chance because of your job obligations, and because i need at least 2 cycles of 9 months each before i can hope to reach remission,” sabi ni Kris.
“Marc, i’m sorry for punishing you for what others have done to me. You are 100% correct, you’re not them. Contrary to what others may think it’s either you or bimb taking all the pictures.”
Nagpasalamat din si Kris sa pagpayag nito na panatilihing pribado ang kanilang bagong relasyon.
“Thank you for agreeing to my request to not post & keep our new relationship private. We are proof that LOVE comes when you least expect it. Thank you for your 12 years of perseverance. Whatever God decides for us, let’s please end up BEST FRIENDS for the rest of our lives?”
Unang pinag-usapan ng netizens ang namumuong relasyon ng dalawa nang mapansin ang madalas na paglipad ni Vice Gov. Mark patungong US upang dalawin si Kris.
Noong Valentine’s Day na kaarawan din ni Kris ay ibinahagi ni VG Mark na sulit ang pagbiyahe niya ng mahigit 7000 miles. “Although we have been apart, now that we’re together fills my heart. It is for this reason my love and my dear you will always and forever feel near.”
Sa comment section naman ay agad nilinaw ni Kris na best male friend niya si Vice Gov. Mark.
Pinagsabihan din noon ni Kris ang bise gobernador na ‘wag nang mag-comment sa mga post niya. “Parati kong pinaaalala sa kay VG Marc (yun yung correct spelling) his responsibilities in Batangas di hamak mas mahalaga kumpara sa ‘kin dahil pinagkatiwalaan nyo sya ng inyong boto.”
You must be logged in to post a comment.