Jason Marvin naglabas ng bagong music video tampok ang ilang clips sa kasal nila ni Moira

Dinagsa ng komento ang music video ng bagong kanta ni Jason Marvin na “Ikaw Pa Rin.”

Naging maugong ang pangalan ng singer-songwriter kamakailan matapos magbahagi ng mga larawan kasama ang isang “mystery girl.”

Marami ang nag-akala na “soft launch” ng bagong relasyon matapos ang hiwalayan nila ni Moira Dela Torre ang Instagram post ni Jason na may kalakip na caption na “Siya ang nagligtas sa’kin, ang nagbalik ng aking ngiti.”

Bahagi pala ito ng lyrics tungkol sa “Ikaw Pa Rin” na naglalabas ng saloobin tungkol sa pagkabigong kalimutan ang iniibig.

May ilang mga clip din mula sa kasal nila ni Moira noong 2019.

Samantala, sa pagtatapos ng video ay ipinakilala bilang “actress” si Sumaya Mcevoy, ang kasama ni Jason sa mga viral na post niya.

Bagama’t hindi na nagpaliwanag si Jason ay ni-like niya ang komento ng isang netizen na nagsabing walang bagong karelasyon ang singer-songwriter at mahal niya pa rin si Moira.

“Sana nagets niyo yung meaning at gusto niyang iparating sa kantang sinulat niya. its really for moira. he is truly still in love with his wife. he is not with the new girl. its just for music video,” sabi nito.

“Grabe, akala ko talaga there will be a gf reveal. Grabe na yung inis at pain habang nanonood. Dala na din ng mga nagkalat na post sa socmed. Galing ng twist ng concept. I wish na sana naintindihan din ng marami yung concept ng kantang to. Wag tayo padala sa mga posts,” komento naman ng isang netizen.

Marami rin ang nagsabing umaasa silang magkakabalikan pa sina Jason at Moira.

“A really really beautiful song indeed, stil praying for moira and jason, sana ma forgive nila ang isat-isa. Only time will tell and only God knows kung ano pwde mangyari sa knila sa future. Prayers for the both of them.”

“Huwag sana nating ilagay ang pressure kay Moira after listening to Jason’s songs,” paalala naman ng isa.

Narito ang “Ikaw Pa Rin” video ni Jason Marvin: