‘Pretend they don’t exist’: First Filipina Miss Universe Gloria Diaz pinayuhan si MUPH 2023 Michelle Dee tungkol sa bashers

Katulad ni Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee at ng iba pang beauty queens, nakaranas din daw ng bashing o mga negatibong komento mula sa publiko ang first Filipina Miss Universe na si Gloria Diaz noong 1960s.

Dahil dito, pinayuhan niya si Michelle, na anak ng isa pang beauty queen na si Miss International 1979 Melanie Marquez, pagdating sa mga basher. Sa Chika Minute report ni Aubrey Carampel sa 24 Oras, nagbigay ng advice si Gloria, na masayang-masaya raw para sa mag-ina.

[RELATED – Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee itinuturing na lucky charm ang inang si Melanie Marquez]

“Ang puno na nagbubunga siyempre babatuhin nila ‘yan,” wika ng beauty queen-turned-actress.

“Just do your best, enjoy, and just pretend they don’t exist,” pagpapatuloy pa nito.

Mother’s Day gift sa ina

Sa pagkapanalo niya bilang Miss Universe Philippines 2023, masayang-masaya si Michelle na nagkataong Mother’s Day at ito ang naging handog niya sa ina naging supporter, tagapayo, at kritiko niya sa nasabing kompetisyon.

“When I won, honestly, I didn’t know what I was supposed to do. Was I supposed to wait for sponsors to come up? Was I supposed to wait for… Anyway I just saw my mom, she was wearing red there, so kitang kita ko siya,” pagbabahagi niya. “If you see photos of me pointing, I was pointing at her and telling her to come on stage.”

[RELATED – Miss Universe PH 2023 Michelle Dee may mensahe sa mga bashers: ‘Always spread love’]

Dahil dito, pinilit daw ng kanyang mga kapatid at kaibigan si Melanie na umakyat para samahan ang anak sa winning moment nito.

“I was like, ‘Mom, we did it!’ and she was like, ‘You did it! I’m so proud of you.’ And then I finally said, ‘Happy Mother’s Day!’ I really wanted to be the best Mother’s Day gift that she received,” wika ng beauty queen. “Especially because I didn’t even know if she could make it to the coronation night, and we all know she is my lucky charm. She wasn’t there last year, so maybe that’s why.”

Panoorin ang Chika Minute report ni Aubrey Carampel: