Cat owner nananawagan ng tulong para sa alagang pusa na may karamdamang walang lunas

Penelope (Mga larawan mula sa FB ni Kat Candelaria)

Para sa pet lovers o fur parents, ang mga alagang hayop ay hindi lamang basta pet kundi bahagi at miyembro na rin ng pamilya, na kumukumpleto sa sayang hatid ng isang tahanan.

Kagaya ng isang kapamilya, relate na relate ang sinumang paw parents na talagang pagkakagastusan ang kapakanan at pangunahing pangangailangan ng pet dog o pet cat magmula sa pagkain, bitamina, laruan, paminsan ay damit, lalo na ang pagpapacheck-up o pagpapagamot kapag may sakit ito, sa mga beterinaryo.

Kaya naman, usap-usapan ngayon ang pag-apela ng tulong ng isang veterinary clinic sa Barangay Tungkong Mangga, City of San Jose Del Monte, Bulacan, para sa kanilang pasyenteng pusa na nagngangalang “Penelope,” na may kakaibang kondisyong maihahalintulad sa tao.

Ayon sa Facebook post ng vet clinic, dinala sa kanila ng paw parent na si “Kat Candelaria” ang pusang si Penelope na may sakit na “Feline Infectious Peritonitis (effusive form)” at “FIV disease.”

Maikukumpara daw ito sa Covid-19 at Acquired Immune Deficiency Syndrome o AIDS sa mga tao. Sa pangalawang sakit, wala na raw itong lunas, subalit kailangan niya ng maintenance upang mas mapahaba pa ang mga taon na makakasama niya ang paw parent na si Kat.

“The good news, she is currently under medication of GS-441524, a drug that may treat and improve her health status. However, Penelope’s treatment is expensive, thus the owner cannot afford it alone.”

“We are knocking on your good hearts if you can help in supporting Penelope’s treatment. Your generosity would be a great help, no matter how big or small the contribution. Your support will be instrumental in Penelope’s recovery. You may contact Ms. Candelaria for any help we can contribute. You can also help by sharing the owner’s post to your family and friends,” panawagan ng Qualipaws Animal Health Clinic sa social media.

Sa Facebook post naman ni Kat, ganoon din ang kaniyang apela para sa publiko.

“We are seeking your help in supporting Penelope’s treatment, including his medications, veterinary appointments, and other necessary costs. Your generosity would be a great help, no matter how big or small the contribution. Your support will be instrumental in Penelope’s recovery,” aniya.

Ayon sa ulat ng Balita kay Kat, para na niyang kapamilya si Penelope na noong una ay inampon niya dahil nawalan ng trabaho ang tunay na may-ari nito, at hindi na kinaya ang mga gastusin para sa kaniya.

Para sa mga nagnanais na tumulong sa pagpapagamot ni Penelope, mangyaring makipag-ugnayan lamang sa social media account ni Kat Candelaria.