Bakit nga ba napakasakit mawalan ng fur baby?

Bakit nga ba napakasakit mawalan ng pinakamamahal na alaga?

Mapa-aso man ‘yan o pusa, ibon o ano pa man, basta’t inalagaan mo at ginawang kapamilya ay tila napakalalim ng sakit kapag sila ay namaalam na?

Marami sa atin ang nalulong na sa pagmamahal at nagkaroon na ng malalim na bonding sa ating pets, lalo na kung ito’y nakakasama natin sa loob ng bahay at minsan ay katabi pa ngang matulog; lalo na kung mahaba-habang panahon natin silang nakasama.

Para sa marami sa atin, ang ating pet ay hindi isang ‘aso lang’ o ‘pusa lang’ kundi isang minamahal na miyembro na ng pamilya na nagbibigay sa atin ng companionship, kasiyahan at nagpapawala ng ating stress.

Bahagi ng bawat araw natin ang ating fur babies at kadalasang bumubura sa boredom o pagkainip na posible nating maramdaman kung wala sila.

Di nga ba’t tinawag na ngang ‘man’s best friend’ ang mga doggies at may mga pusa ring tinawag na best roommate at emotional companion?

Batid ng mga fur parents na ang fur babies ay nakapagpapalabas ng ngiti sa ating labi bukod pa sa ibang benepisyo. Nakapagpapaganda sila ng ating mood, nakababawas sa kalungkutan at mainam rin para sa ating physical at mental health.

Image via Pixabay

Kung solo ka na sa buhay at ang iyong fur baby ang siyang tangi mong kasama sa bahay, naku po, mas lalong matindi ang inyong koneksyon sa isa’t isa.

Kung may mga bata naman sa ating tahanan, ang pets ay itinuturing na wonderful companions at nakatutuwa na kabilang na sila sa mga milestones sa buhay ng ating kiddos.

Nakakasama mo ang iyong pet dogs sa pagtakbo, pag-jogging at paglalaro. Kadalasan nga kasama rin sa gala at sa pagtulog. Sa piling nila, hindi mo kailangang mag-pretend. Kaya nilang maging loyal sa iyo at samahan ka sa lahat ng oras. Paano ka bang hindi lalong maa-attach sa iyong pet?

Image via Pixabay

Ang mga pusa ay emotional companions naman at kahit pa tila mapili sila sa taong nagugustuhan, kapag pinili ka na niya ay asahan mo ang companionship na walang katulad. Parang ramdam nila kapag malungkot ka o may dinaramdam kaya’t sige silang didikit at kikiskis sa iyo at tatabihan ka pa sa pagtulog na tila binabantayan ka.

Kaya naman, kapag ang ating cherished fur babies ay napahamak o nagkasakit at tuluyang namaalam, napakahirap ilarawan ang sakit na ating nararamdaman. Napakahirap mag-move on! huhuh

May mga taong hindi nakauunawa sa pagluluksang nararamdaman natin, pero ganoon talaga. Only fur parents understand each other’s pain and grief. Yun bang kahit ilang taon na ang dumaan ay naroon pa rin ang kirot at ang pakiramdam na ‘sana ay kasama pa natin sila.’

Iba iba man ang edad natin, gender at personalidad, sabi nga sa isang pag-aaral, “Generally, the more significant your pet was to you, the more intense the emotional pain you’ll feel.”

Actress Janella’s last words sa kanyang furbaby na si Max ay patunay ng ating nararamdaman para sa ating beloved pet na namaalam na.

Janella Salvador on losing her beloved Max

Ang naging role ng ating alaga sa ating buhay ang kadalasang nagdadala ng impact sa atin eh. ‘Yung iba sa atin ay labis labis ang naging emotional attachment sa ating alaga at nangangarap na sa future ay makita silang muli sa “rainbow bridge.”

Napakasakit, oo, but life goes on. Laban lang. Sa ibang panahon, minsan dumarating ang pagkakataon na muling nabubuksan ang ating puso sa bagong fur babies na mamahalin.

Ang tunay na nagmamahal, nasasaktan. Bahagi na yata ng buhay talaga. Pero eto pa rin tayo, muling magmamahal ng ibang fur babies, pero ‘yung ating mga nauna, hinding-hindi naman natin nalilimutan. O di ba?

I miss you all … Boksi, Jayjay, Baron, Chocola, Whooper, Noni, Wolverine, Pochi, Chuchu, Sushi, Duchess, Whoopee, Boomer and Baby Siopao. Thank you for the sweet memories. I will never never forget each one of you. See you all at the Rainbow Bridge in God’s own time!