
Ilang araw matapos ipagdiwang ang kaniyang ika-4 na buwang pagkapanganak, bininyagan na rin sa simbahan ang anak nina Whamos Cruz at Antonette Gail na si Baby Meteor.
Nagbahagi rin ng mga larawan sa Facebook si Antonette nitong nakaraang Miyerkules, Mayo 24, kung saan makikita ang ginawang pagpapabinyag sa kanilang baby pati na rin ang idinaos na selebrasyon at kainan kasama ang kanilang mga bisita, kaibigan, kaanak at siyempre, mga ninong at ninang.
Ilan sa mga kilalang personalidad na tumayong ninong at ninang ay sina Bataan Rep. Geraldine Roman, Rep. Marvin Rillo; vloggers na sina Sachzna Laparan, Queenay Mercado, Boss Toyo, Althea Ablan, negosyanteng si Xian Gaza at marami pang iba.
Nagpasalamat naman si Antonette sa lahat ng mga dumalo at bumati sa kanilang baby.
Aniya, “On behalf of my family & specially Baby Meteor. MARAMING SALAMAT PO.”
Noong Lunes, Mayo 22, ay nagdiwang din ng kaniyang ika-4 na buwang kaarawan si Baby Meteor at nag-viral pa nga ang larawan ng kaniyang photoshoot kung saan dinamitan ito bilang isang cute na ‘construction worker’ na kinagiliwan ng netizens.
Ipinanganak ni Antonette si Baby Meteor nitong Enero 2023 at ibinahagi pa sa Facebook ni Whamos ang video nila habang nasa ospital hanggang sa lumabas na nga ang kanilang supling.
Samantala heto naman ang video ng binyag ni Baby Meteor na ibinahagi ni Whamos sa kaniyang You Tube vlog:
Panoorin:
You must be logged in to post a comment.