Lamang ang may alam: Altapresyon hindi dapat balewalain

High blood ka rin? May altapresyon? Naku, huwag babalewalain ang medical condition na iyan lalo pa sa panahon na sobrang init.

Ang altapresyon (hypertension) o mas kilala bilang mataas na presyon ng dugo, ay isang karaniwang problema sa kalusugan na nakaaapekto sa maraming tao sa buong mundo.

Ito ay isang kondisyong medikal kung saan ang presyon ng dugo sa mga arteries ay labis na mataas, na maaaring magdulot ng iba’t ibang mga komplikasyon tulad ng sakit sa puso, stroke, at iba pang mga problema sa kalusugan.

Dahil hindi naman talaga natin nararamdaman ang pagdaloy ng dugo sa ating mga ugat, mas mainam na palagi nating namo-monitor ang ating BP para malaman kung mataas na ba ito kaysa sa normal para sa ating edad.

Maaari bang maiwasan ang magkaroon ng altapresyon? Paalala ng mga medical practitioners, baguhin ang lifetsyle na maaaring malaki ang epekto sa ating blood pressure.

Kabilang sa mga payo ay ang mga sumusunod:

1) Iwasan ang pagbigat ng timbang at paglaki ng waistline. Ang obesity ay hindi mabuti para sa ating katawan pagkat ang blood pressure ay kadalasang tumataas habang tayo ay tumataba.

2) Mag-ehersisyo rin nang regular at kumain nang naaayon sa tinatawag na healthy diet. Kabilang na diyan ang pag-iwas sa mga maaalat na pagkain.

3) Limitahan ang mga alcoholic drinks kung hindi man ito tuluyang maialis; gayundin sa pagsisigarilyo.

4) Tiyakin ang maayos na pagtulog o pahinga. Ang pagpupuyat ay isa sa mga risk factors.

5) Iwasan ang ma-stress o mga bagay na nagdudulot ng stress sa iyo.

Bagaman ang mga modernong pamamaraan ng paggamot tulad ng mga gamot at mga medikal na prosedimento o procedures ay available, mas makabubuti kung kakain tayo ng mga pagkaing nakatutulong sa pagbaba ng ating presyon.

‘Di nga ba’t naririnig na natin sa ating mga elders noon pa man na nakabubuti ang ampalaya at bawang sa pagpapababa ng presyon ng dugo?

Well, marami palang iba pang pagkain na makabubuti sa gaya nating may ganitong kondisyon!

Panoorin ang ibinahaging video ng Karunungan TV via YouTube:

Ano naman kaya ang pinakamabisang gamot sa ating altapresyon? Ano’ng bagay sa atin?

Mainam ding panoorin at pakinggan si Doc Willing Ong na isang Internist at Cardiologist para sa mas malalim na pag-unawa sa ‘silent killer’ na kondisyon: