
Aminado si Winwyn Marquez na mabait at malambing si Alden Richards subalit hindi niya umano sigurado kung nanligaw talaga ito sa kaniya noon.
Sa panayam kay Winwyn sa ‘Fast Talk with Boy Abunda’, isa sa naungkat ni Tito Boy ang sinabi sa kaniya noon ni Alden na muntikan na niyang makatuluyan ang beauty queen subalit naunsyami raw ito dahil sa kani-kanilang mga trabaho.
Dahil dito, tinanong ni Tito Boy si Winwyn kung totoong niligawan nga siya ng Kapuso hunk.
“Tama naman ang sinabi ni Alden na dahil sa work, pero there’s really not much to talk about outside that I consider him as a realy good friend,” paliwanag ng anak nina Joey Marquez at Alma Moreno.
“Hindi ko kasi alam kung nanligaw ba talaga siya… kasi si Alden… I don’t know if may misunderstanding or anything… he’s really kind, malambing siya and I feel he’s like that to everyone,” dagdag pa ni Winwyn.
Sobrang bait daw talaga ng aktor at masayang kausap kaya ang pakiramdam niya noon ay isa lang itong mabuting kaibigan.
Bukod dito, inamin din ng Reina Hispanoamericana 2017 winner na walang bulaklak na ipinadala o kaya ay dalaw sa bahay na nangyari noon.
Hindi naman itinago ni Winwyn na proud siya para kay Alden dahil sa tinatamong tagumpay nito sa showbiz subalit wala umano siyang reaksiyon o naramdaman nang inamin ng aktor na ‘muntik nang maging sila’.
“Wala naman kasi tapos na eh. I don’t want to go back and dwell on the past, because kahit anong sabihin natin, I’m so proud of him. I’m so proud of his success,” paliwanag pa ng beauty-queen actress.
Katunayan umano ay nananatili sila bilang magkaibigan at suportado niya ang lahat ng pagsisikap ni Alden para sa karera nito.
Panoorin ang panayam ni Tito Boy kay Winwyn:
You must be logged in to post a comment.