
Hindi na ‘hinarang’ at malaya nang nakapag-shopping si Sharon Cuneta sa Hermes store sa Los Angeles (LAX) Airport noong isang araw.
Kasalukuyang nasa US si Megastar para sa second leg ng kanilang ‘ICONIC U.S. Concert Tour’ kung saan nakasama niya si Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid.
Sa Instagram nitong Miyerkules, Abril 12, ibinahagi ni Sharon ang ilang larawang kuha habang masaya siyang namimili sa LAX Hermes store.
Kabilang raw sa kaniyang nabili doon ay sinturon at bracelet habang makikita naman na inaasistihan siya ng ‘mabait’ na staff na pinasalamatan pa niya.
“Finally got my new Hermés belts (my 20+-year-old ones are still too tight! Pero lapit na…!) – plus a few other things at The LAX Hermés store!” caption ng beteranang singer-actress sa kaniyang IG post.
“Ang bait nila napabili pa ko tuloy ng iba! I’ve always loved their cashmere throws too so got myself a couple of new ones plus bracelets! Thank you to S.A. Miss Ivy for the great service!” dagdag pa ni Mega.
Naka-tag din ang Hermes sa kaniyang post at kalakip nito ang hashtags na #hermeslax at ang makahulugang #walanangisyuha.
Kung matatandaan, naging kontrobersiyal ang video noong isang taon ni Sharon dahil sa kaniyang ‘hindi magandang karanasan’ sa Hermes store sa Seoul, South Korea.
Ayon sa premyadong singer, hindi raw siya pinapasok ng guwardiya ng Hermes boutique sa Shinsegae Department Store kaya sa kabilang store ng Louis Vuitton siya nag-shopping.
Makikita ring binalikan niya muli ang naturang guwardiya at maririnig itong sinabihan ng “No more. I buy everything,” habang itinuro ang shopping bag na punong-puno ng kaniyang pinamili.
Nabatikos naman ng ilang netizen si Megastar dahil ‘by appointment’ umano ang mga customer sa Hermes kaya hindi nito pinapasok ang misis ni dating Senador Kiko Pangilinan.
Inamin naman ni Sharon na alam niya ang polisiyang ito ng luxury brand at nagbabakasakali lamang siya dahil andun na sila sa lugar.
Nilinaw din ng aktres na wala siyang sama ng loob sa Hermes at nakiusap sa kaniyang mga followers na ‘wag nang i-bash ang guwardiya dahil ginagawa lamang nito ang kaniyang trabaho.
You must be logged in to post a comment.