Martin sa dating MMK star na hindi pumasa sa blind audition, ‘Please come back, you have every chance to improve’

Nagbalik-telebisyon kamakailan ang Maalaala Mo Kaya (MMK) child actor na si Quindrix Guazon sa pamamagitan ng The Voice Kids Philippines Season 5, kung saan ipinakita naman niya ang talento at passion sa pag-awit sa ginanap na blind audition.

Sa kabila nito, walang humarap na hurado kaya bigo ang bata na marating ang susunod na lebel ng kompetisyon.

Para sa mga judge, may potensyal na gumanda ang singing career ni Quindrix; mayroon lamang talaga itong kailangan pang matutunan pagdating sa pag-awit.

“Para sa’kin, kuwento ‘to, e. You have to give us the story,” saad ng judge na si Bamboo. “The voice is there, it’s just you have to understand the other aspects of that, e, ‘yon ang kailangan mong planuhin next time.”

“I-keep mo lang ‘yong ganiyang klaseng attitude na ‘yan, na ’yong nacha-challenge ‘yong sarili mo na kumanta ng mga mahihirap na kanta kasi doon ka matututo. Malay mo, pagbalik mo next time tatlo pa kaming umikot sa’yo,” wika naman ng huradong si KZ Tandingan.

Paalala naman ni Martin, “Because hindi kami umikot dito tonight, it doesn’t mean na it’s not your night. For me, nakita ng buong mundo ‘yong galing mo at how much better you can become.”

“We’re all rooting for you. Please come back and know that you have every chance to improve and every chance to walk out of here and know that you are a winner,” sabi pa ng beteranong mang-aawit.

Ngunit nang umalis na si Quindrix, hindi na napigilan pa ni Martin na maging emosyonal sa itinakbo ng The Voice Kids journey ng bata na nagsimula ng acting career noong 2017. Gumanap siya bilang anak ng karakter ni Vina Morales at supling ng character naman ni Ara Mina sa isa pang episode.

Narito ang blind audition video kung saan sumubok si Quindrix sa nasabing paligsahan sa pamamagitan ng pagkanta ng awiting Bulag, Pipi, at Bingi: