
Trending ngayon ang celebrity doctor na si Vicki Belo na naging usap-usapan sa online world matapos nitong ibinida ang kanyang larawan na naka-swimsuit habang nag-e-enjoy sa snow sa Niseko, Japan.
Si Belo ay nag-upload ng picture kung saan makikitang naka one-piece swimsuit at isang pares ng fur boots lamang siya sa gitna ng nyebe bilang pagdiriwang ng International Women’s Day nitong Miyerkules, Marso 8.
“66 never felt so good,” mababasa sa post ng doktora sa kanyang IG.
“Stay empowered in your skin,” dagdag pa ni Belo kalakip ang hashtag na #HappyInternationalWomensDay.
Puno ng fire emojis ang comment section ng kanyang post mula sa mga kaibigan, celebrities at netizens na namangha sa kanyang napakagandang healthy figure.
“Ummmmm wowwwwwww”
“Dra baka mahamog kayo ang lamig nyan!”
“How I wish at 66 ganun din ang beauty. Age is just a number. Beauty never fades..”
“Sana all walang rayuma dra.”
“I really admire your confidence Dr. Belo. Stay feeling young and happy.”
“Ageless woman with a good heart..”
“Such a beautiful woman inside and out… ❤❤❤”
Nagkomento rin ang kanyang asawa na si Hayden Kho, “Only Belo touches her skin, but only I can leave fingerprints.😉” (ayiii)
Habang isinusulat ito, nasa mahigit 77,200 heart/likes na sa Instagram ang naturang larawan ng doktora.
Sa edad na 66 ay bibo at aktibo pa rin si Belo. Minsan pa nga ay sumasayaw pa ito upang mapanatiling healthy pa rin ang pangangatawan nito.
Ang International Women’s Day (IWD) ay isang pandaigdigang araw na ipinagdiriwang ang panlipunan, pang-ekonomiya, pangkultura at pampulitika na tagumpay ng mga kababaihan. Ang araw ay minarkahan din ang isang tawag sa pagkilos para sa pagpapabilis ng pagkakapantay-pantay ng kasarian.
Si Maria Victoria “Vicki” Gonzalez Belo-Kho ay isang Filipina na doktor at personalidad sa telebisyon. Siya ang founder, CEO, at medical director ng Belo Medical Group.
You must be logged in to post a comment.