
Masaya at excited na ibinahagi ng celebrity couple na sina Vice Ganda at Ion Perez na madadagdagan na ng bagong miyembro ang kanilang pamilya.
Sa kanyang pinakabagong vlog na in-upload ng Unkabogable star ay sinabi nila na gusto nilang magkaroon ng baby para mas sumaya ang kanilang bahay.
Ipinaliwanag ni Ion kung bakit sila nagpasya na magkaroon ng bagong furbaby.
“S’yempre ‘pag wala ako, s’yempre mas kailangan mo ng nasa kwarto, ‘yung binabantayan mo,” wika ni Ion.
Ayon naman kay Vice, mas gusto nila na maging mas masaya kung magiging mas malaki ang kanilang pamilya.
“Gusto naming magka-baby para lalong sumaya ‘yung bahay namin, para may mapag-sharean ng saya ‘tas mayroon magpapasaya sa aming bago, mayroon kaming lalambingin, mayroon kaming mamahalin, aalagaan para lalong maging masaya ang life,” ani Vice Ganda.
“So, we plan to have a baby para mas gumanda ang mundo. ‘Pag mas maraming masaya, mas maganda ang mundo. Para happy, dadagdagan namin ng member ang family namin para lumaki-laki naman ang pamilya namin kasi dalawa lang kami,” aniya pa.
Sa bandang ending ng vlog ay ibinandera nga ng mag-asawa na mag-aampon sila ng black and white Pomeranian na ituturing daw talaga nilang parang tunay na anak.
Ngunit mabibigla ka sa mahal ng presyo ng kanilang nabiling bagong alaga, dahil ang Pomeranian na nagustuhan nila ay nagkakahalaga ng 380k. OMG, grabe ang presyo!
Wala namang nabanggit kung kailan nila makukuha ang aso at kung ano ang magiging pangalan nito.
Noong October 2022, ipinagdiwang nina Vice at Ion ang kanilang fourth anniversary as a couple.
Sinurpresa naman nila ang kanilang mga fans nang ibunyag nila na nagpakasal na sila sa Las Vegas noong October, 2021.
Panoorin ang vlog na ‘Vice-Ion may Baby na!’:
You must be logged in to post a comment.