‘Welcome to the world, Baby Kaela’: Dating ‘Goin’ Bulilit’ child star Trina ‘Hopia’ Legaspi, nagsilang na

Ipinanganak na ng dating child actress na si Trina Legaspi, na mas kilala sa tawag na “Hopia” mula sa kanyang stint sa Goin’ Bulilit, ang kanyang unang anak sa asawang si Ryan Jarina.

In-upload ni Trina ang ilang snaps niya kasama ang kanyang bagong silang na baby sa kanyang Facebook page at sa Instagram nitong Lunes, Marso 20. Isinalaysay niya ang ilang detalye kaugnay sa kanyang pagsilang sa kanilang anak na babae na pinangalanan nilang Kaela.

“Last week at 5:09 pm, our lives changed forever! 8 hours of labor and 1 hour of pushing, thank you Lord for giving me the strength!! Welcome to the world, Baby Kaela,” masayang ibinahagi ng aktres.

“Parang nag-slow mo ‘nung narinig ko na iyak niya, sobrang surreal, ‘di ko mapigilan umiyak. You are worth all the pain our baby girl. Daddy and I love you so much,” aniya. Naging emosyonal na umano siya nang narinig ang iyak ng kanyang anak.

Nagpahayag din siya ng pasasalamat sa medical team na tumulong sa kaniya para sa ligtas na pgsilang kay Kaela.

“Thank you Lord for using the people in the room, Doc. Ces (OB), Doc. Shane (Anesthesiologist) and Doc. Vicky Sison (Pedia) to help me bring Kaela safely and also to our Jarina and Legaspi families for constantly praying for us.”

Ibinida rin niya na isang linggo na rin silang puyat sa pagbabantay ng anak, “As first time parents, totoo nga po ang sabi nila, 1 week na po kaming walang tulog ni Ryan.”

Binati ng mga kapwa celebrity tulad nina Elisse Joson, Jason Abalos, at Kaori Oinuma ang mag-asawa sa kanilang bagong milestone.

Welcome to the world, Baby Kaela!

Sina Trina at Ryan ay nagpakasal noong Nobyembre 2020, pagkatapos ng anim na taong relasyon. Ikinasal sila noong Nobyembre 2021. Noong Oktubre 2022, ibinahagi nila na buntis na si Trina.

Bukod sa Goin’ Bulilit, lumabas din si Trina sa ilang teleserye ng ABS-CBN na Home Sweetie Home, Pusong Ligaw, at A Love To Last at marami pang iba.