‘With High Honors ka? Ipagmalaki mo!’ Student achiever naghatid ng kaaliwan sa netizens

Sa social media ay normal na nating nakikita ang mga post kaugnay sa mga graduations, ‘dreams achieved’, goals reached at iba pang pagfe-flex ng tagumpay na nakamit. May kasabihan nga, ‘di ba, na shared joy is double joy.

Kaya naman kadalasan, kapag kakilala natin o kaya’y istranghero na may nakai-inspire na kuwento ng pagtatagumpay ang dumaan sa ating newsfeed ay napapa-react tayo ng puso o kaya’y ‘thumbs up’.

Well, maiba naman nang kaunti ang peg ng isa nating ka-netizen na estudyante sa kanyang social media post na ibinahagi nitong nagdaang Pebrero sa pagtatapos ng unang semestre sa SHS.

“Hindi naman sa pagmamayabang ano,” caption nito sa kaniyang nag-viral na Facebook post na may hashtag pang #humbleposting. hahaha

Sa post ni Alexis Josh M. Guadaña, Grade 11 ng City College of Tagaytay (CCT), ay makikita ang mga larawan habang tangan niya ang mga natanggap niyang academic excellence award na “With High Honors”. Yizzzz… todo ang pag-flex ni Alexis sa mga malakasang sertipiko… habang nasa mga pampublikong lugar! hahaha

Makikitang sakay siya ng pampasaherong jeep habang nakalahad para sa masa ang nilalaman ng kanyang certificates. Mayroong sakay siya ng tila escalator, nakaupo sa park,  habang naglalakad, habang nakatambay, habang papasok ng isang mall at kahit sa…men’s room (toilet)? hahaha

Pati si manong guard ng mall nakisakay sa kanyang trip at parang proud tatay ah.  🙂  Bless you, Manong!

Sa comments section ay naisingit pa niya ang pagbati sa iba pang nagsisikap rin sa pag-aaral.

“OMG Bago ko makalimutan, pagbati po sa lahat ng nagkamit ng karangalan sa natapos na 1st Sem at sa mga batang patuloy na binibigay ang kanilang efforts!!”

Bumuhos naman ang mga kwelang comments mula sa netizens at mula sa kanyang mga kakilala, kaibigan at tila mga kamag-anak. Mahigit 11k shares na ang nasabing post.

“Kuya na with high honors din ako dapat gnyn pala ginawa ko.”

“Hahaha ano ito. Hahahaha. Congratulations beh!! Keep up the high honors!! Woohoo!”

“Si mayor pala ‘to eh, congrats my alexis! love u.”

“Uyyyy nak ko ata yan🥰🥰 congrats😘😘 Tek ka nak…tutulog na lang ako, pinasaya mo pa ako…with high honors”

Mahihinuhang masayahin ang estudyanteng ‘humble’ na magiliw na sumasagot sa mga bumabati.  🙂

Pasintabi sa mga masyadong seryoso at keyboard warriors diyan. Kalma lang po. Paunawa, ito ay isang katuwaan post lang naman daw. Pero totoo naman na masarap ipagmalaki ang mga ganitong bagay na pinaghirapan at naghahatid din naman ng inspirasyon sa iba na mas lalong magsikap.

Uulitin ko po, ‘Shared joy is double joy.” Baka nga triple o mahigit pa! God bless po!