Saab Magalona nag-react sa pag-alis ng Instagram ng kanyang post nang tawaging siopao ang anak

Nagtungo si Saab Magalona sa Twitter at napa-react sa pagtanggal ng Instagram sa kanyang post mula Setyembre noong nakaraang taon, kung saan tinawag niya ang kanyang bagong silang na baby boy na si Vito na “siopao.”

Ayon sa screenshot ni Saab noong Lunes, ang kanyang post ay nagkaroon ng “goes against [Instagram’s] community guidelines” ang larawan ni Vito dahil sa bilugang pisngi ng bata.

“Omg sorry na tinawag kong siopao yung anak ko,” saad sa post ng celebrity mom na may kalakip na crying emoji face.

Sinabi ng aktres na in-update niya ang caption ng kanyang post, kung saan binago niya ang “siopao” na “cutie.”

Matapos ang nasabing paglabag ay pinalitan naman agad ni Saab ang naturang post ng,  “isang matinding #FlashbackFriday para sa cutie na ‘to.”

Ang mga fans ni Saab ay nagpahayag din sa social media ng kanilang pagkagulat sa pagtanggal ng post ng aktres.

“Hustisya para sa [mga] siopao!”

“Di ata ako papasang momfluencer in the future [because] if my baby’s also this cute, baka kung ano anong cute siopao-like words din icaption ko.”

“Wait. Is siopao a bad word now?”

Isang netizen naman ang nagbigay rin ng komento kung bakit nagkaroon ng paglabag, “Former content mod here. Yeah, likely talaga ma-violate mo siya because:
1: Baby ang subject
2: Comparing him to “Siopao” is form Degrading Character Comparison

Siguro hindi siya maba-violate if may “❤️” emoji siya, but I dunno if it still applies.”

Kasunod ng tweet ni Saab, ​​ang post — kasama ang updated na caption nito — ay naibalik na sa page ng celebrity mom, habang sinusulat ito.

Si Saab Magalona ay isang Filipina na artista, mang-aawit, at blogger. Ang kanyang mga magulang ay ang yumaong hip-hop icon na si Francis Magalona at si Pia Magalona.

Siya ay ikinasal kay Jim Baccaro. Mayroon silang dalawang anak – sina Pancho at Vito.