Ronaldo Valdez, Tom Taus muling nagkasama; ‘Before Eloy, there was Cedie’

Ibinahagi ng screen veteran actor na si Ronaldo Valdez sa social media ang kanyang reunion kasama ang dating child star na si Tom Taus.

Nagkatrabaho sina Ronaldo at Tom sa ’90s classic film na “Cedie: Ang Munting Prinsipe”; ang 1996 Filipino movie adaptation ng isang sikat na anime.

Sa pelikula, gumanap ang beteranong aktor bilang Earl ng Dorincourt, lolo ni Cedie (Tom).

Noong Biyernes, ibinahagi ni Ronaldo sa kanyang Instagram page ang mga larawan ng muli nilang pagsasama ng dating aktor.

“Before Eloy, there was Cedie,” tinutukoy ng aktor ang karakter ni Daniel Padilla na si Eloy sa 2022 series na “2 Good 2 Be True.”

“Reunited after 27 years!!! It was indeed a great catch up! @tomtaus,” dagdag pa nito.

Nagpasalamat naman si Ronaldo sa kanyang talent manager sa naganap na muling pagkikita ng dalawa, “Thanks @misseverywhere1 for making this happen. 🙏”

Si Tom ay 10 taong gulang pa lamang nang gumanap siya bilang Cedie sa pinagbidahang pelikula.

Masaya ang netizens at bumuhos ang komento mula sa mga followers nang muling makitang magkasama ang dalawa.

“Fave ko to cedie noon 90’s”

“Inaabangan ko ito lagi noon ❤”

“Remake pls! Indeed, Cedie is one of the unforgettable films of all Time”

“Lolo sir your character in every role you play captured the heart of many includes me @tito.ron.valdez”

“Isa sa magandang palabas noong aking kabataan!”

“OMG!! Major nostalgia!”

“Sa mga nakakakilala kay Cedie at sa lolo may mga asawa na ba kayo?”  🙂 

“Jefferson, ilabas ang karwahe.. hahaha paborito kong linya nung lolo ni cedie yun sa animated series”

Noong 2017, muling nagsama-sama ang cast ng “Cedie: Ang Munting Prinsipe” kasama sina Tom, Ronaldo at Jaclyn Jose, para sa screening ng digitally restored at remastered version ng Star Cinema movie.

Panoorin ang CEDIE Digitally Restored & Remastered Exclusive Scene: