
Muling inalala at nagbigay ng mensahe ang aktres na si Claudine Barretto sa yumaong aktor na dating kasintahan at ka-love team na si Rico Yan sa ika-48 na birthday nito.
Sa caption ng kanyang post, binati ni Claudine si Rico sa kanyang kaarawan at ipinahayag din ang kanyang pagmamahal dito.
“Happy happy Birthday in Heaven Ry.🥹 you will forever be missed, loved & Remembered,” isinulat ng aktres sa caption ng kanyang Instagram post nitong Marso 14, 2023.
Nagpaabot at nagkomento naman ang aktor na si Ken Chan at ang kapatid ni Rico na si Tina Marie sa kanyang post..
Hanga naman ang mga netizens kay Claudine sa walang sawang pag-alala at pagmamahal sa matinee idol.
“Thank you so much Idol @claubarretto ❤️❤️❤️ for remembering Rico on his special day… hindi complete ang Birthday ni RY kung wala ang iyong greetings…I love you very much Idol @claubarretto and I miss you so much”
“Ito talaga hinihintay ng mga RYCB fans ang makita ang ganitong post mo miss Claudine iloveyou!”
“‘Yung hinihintay ko talaga ‘yung post mo miss Claudine ☺️ i love you sobra sobra kayong dalawang RY 😍 Happiest birthday RY! 😍”
“Aw..my RYCB heart is full again..Happiest Birthday RY we terribly missed and always loved and remember you.. thank you for making us happy @claubarretto your RYCB friends forever..May God always bless and guide you.”
“Si Rico ang totga ni ms. Clau 😢 my childhood’s favorite artists ❤️”
“Happy birthday RY in heaven.. ito ung namatay na grabe iniyakan ko siya 😢😢😢5days iniiyakan ko Lang siya di me nakakamove on..”
Binati rin si Rico ng kanyang dating co-actor at kaibigan na si Marvin Agustin sa pamamagitan ng Instagram stories.
Naging magka-loveteam sina Claudine at Rico noong 1990s, na kalaunan ay naging tunay na magkasintahan. Nagbida ang dalawa sa mga hit na pelikula tulad ng “Got 2 Believe” (2002), “Flames: The Movie” (1997) at “Dahil Mahal na Mahal Kita” (1998), at marami pang iba.
Namaalam si Rico noong Marso 2002 sa edad na 27.
You must be logged in to post a comment.