
Isang larawan na ibinahagi ng Leon News Live ang humakot ng reaksyon at komento ng daan-daang netizens. Mahigit 30K shares na ito, as of writing.
Ito umano ang presyo ng mga pangunahing bilihin, ayon sa imahe ng talaan na una umanong ibinahagi ni Gabriel Cantomayor sa social media.
Dito ay makikita rin ang imahe ng dalawang lumang piraso ng perang papel na tig-bente at dos pesos. Ang daily wage umano noong 1963 ay P4.00 (minimum).
Marami ang napabalik-tanaw dahil sa nakamamanghang presyo noon na kung ikukumpara mo kasi sa kasalukuyan ay napakalaki naman talaga ng agwat. Kaya naman malulula ka talaga sa mga presyo ngayon kung makikita mo na napakababa ng presyo noon. Imagine, ang mga sentimo ay malaking halaga na! Ang piso mo ay malayo na ang mararating!
Pagbabahagi ng ilang netizens:
“I was born in 1946 and I reminisce all those good things in life that was so easy to earn a living if you work and put your efforts for the good of your family. Fish and other marine species are plentiful in rivers and streams in our barangay. Prices of basic commodities were low and very affordable. You don’t need to spend cash for fish and crabs just go to the river and stream and catch a lot.
“Joy.. in 1967 my sweldo as Personnel Clerk was P180 per month plus a monthly living allowance of P23.00… i remember one sack of rice (50kls) was P35.00 … life was so good… parang walang problema ang mga tao… P1 was US$4.00 … we were free as the birds.. very safe… we used to run to Burnham park kahit gabi na during summer season… wala lang… naalala ko lamang naman.. hehe..”
“Yes naabutan ko yan !!! Am 72 yrs old now !!! With 2 pesos only, my friend Lilia Cabelin with P 2.50 we can already go to Tacloban city for our piano lessons! With that amount we can already have our meals with coke , buy hot monay ( 3 big ones worth .25 cents!) BUY NEWSPApERS FoR OUR respective Dads and sometines even see a movie !!! We went home still with some cash amount in our secret pockets !!! Happy memories!!
“Wala pa droga kaya wala pa mga buang, saka regular karamihan ng trabaho, kagaya sa PRC 1968 ako Casual mga utility doon regular, 1971 naging regular ako as Helper ang position ko unskilled worker 18.00 Pesos daily basis, malaki na yon noon ang casual 7.00 pesos..50 cents may ulam at rice ka na sa canteen.”
“Noon pa yon na ang mga namamahala sa ating goberno ay tapat sa kanilang tungkulin at walang corruption, ngayon galing sa pinakababa hanggang sa pinakamataas na position saksakan na ng corruption.
Nakasingit naman ng mga kwelang saloobin ang iba pa.
“Mayaman na pala mga tao noon kapag mayroon tag 10k sa bawat pamilya pilipino.” 😄
You must be logged in to post a comment.