‘Yung natakot ka sa result!’ Piolo ibinida ang ‘face morphing’ nila ni Empoy, kinaaliwan

Yes, nasa TikTok na rin pala ang aktor na si Piolo Pascual at nakikigulo na rin sa mundo ng entertainment videos na patok na patok sa maraming online users.

Sa isang video sa kanyang piolopascual_ph account na ibinahagi niya sa video-sharing app kamakailan ay kasama niya si Empoy Marquez na isang aktor at komedyante. 46 vs 41 anyos.  🙂

‘Yung natakot ka sa result,” caption niya sa video nila na humakot na ng daang-daang views at hearts at halos 2k na ang comments.

Nakatuwaan ni Piolo ang ‘tambalan’ nila ni Empoy at sinubukan nito ang TikTok app na “face morphing” gamit ang imahe nilang dalawa ng kabigan sa industriya ng showbiz.

Parang nabalisa ang Papa P  sa resulta ah. hahaha

Bumuhos ang halos dalawang libong komento ng kaaliwan sa kanyang post.

“Ayan na nga ba ang sinasabi ko papi eh, siya talaga ang nawawala mong kakambal” 🥰🥰

“Wag n’yo na po kaming paikutin, MAGKAPATID KAYO.”

“Di ko akalain n masasapawan ni Empoy ang kapogian ni Piolo Pascual… Wow… Parang magkapatid/kambal…”

“Naguluhan ako kung sino mas pogi Papa P.” 🥰

“Bakit ang pogi pa rin papa p” ☺️❤️

“Kambal ang datingan lods.”

Umabot na sa mahigit 880.3K vierws ang kanilang morphing video at pinusuan ng lampas 46K.

Panoorin ang kanilang video.