
Nagbahagi ng kaniyang mensahe si Pang. Bongbong Marcos para kay dating Pang. Rodrigo Duterte na nagdiwang ng kaniyang ika-78 kaarawan.
“What a pleasure it is for me to wish Happy Birthday to… ang ating predecessor, PRRD. Happy birthday to you, Mr. President!” panimula niya sa kaniyang pagbati.
Biniro niya rin ang dating pangulo na ngayon ay nauunawaan na niya kung bakit napapamura ito noon. “Ngayon naiintindihan ko na kung bakit kung minsan ay noong presidente ka, napapamura ka. Now I know why.”
Sinigurado niya naman kay dating Pang. Duterte na itutuloy niya lahat ng magandang nasimulan nito kaya’t wala siyang dapat ipag-alala.
“Pero huwag n’yong inaalala, lahat ng magandang sinimulan ninyo, we will continue to work on it. We will continue to make sure that those projects that you started will be successful. And I’m glad that I am able to continue the good work that you started,” sabi pa ni PBBM.
“And so… I don’t know kung makapag-relax ka because after a lifetime of work, I don’t know if you still know how to take it easy. But if you got the chance, please have a good celebration. Happy happy birthday, PRRD!”
Samantala, nagbahagi rin ng mensahe ang anak ni dating Pang. Duterte na si Kitty Duterte sa isang Instagram post.
“Strong is an undestatement. Love is your language. Happy birthday to our dada. Such a rare mind and a fiery soul. We are proud to be your girls, always,” sabi ni Kitty sa kaniyang post.
Sa kaniyang Facebook page ay nagpaabot din ng pagbati si Sen. Bong Go, na dating special assistant to the president ni Duterte.
“Maligayang kaarawan sa mahal naming dating pangulo at PDP Laban Chairman Rodrigo Roa Duterte! Patuloy na ipagdarasal ni Senator Kuya Bong Go at ng buong partido ang kalusugan at kaligayahan ni Tatay Digong at sana humaba pa ang kanyang buhay para mas maraming Pilipino pa ang kanyang mapaglingkuran.”
You must be logged in to post a comment.