Paul pinasalamatan si Mikee sa papel na ginampanan nito para maharap niya ang kanyang past traumas

Ibinahagi ng aktor na si Paul Salas kung gaano siya ka-grateful sa pagdating ng aktres na si Mikee Quintos sa buhay niya, na tumulong umano sa kanyang harapin ang mga past trauma niya.

Sa recent episode ng Fast Talk with Boy Abunda, ibinahagi ni Paul kung ano ang naging impact sa kanya ng pagdating ni Mikee.

“Noong time po na pumapasok si Mikee sa buhay ko, ito ‘yong time na masasabi kong doon ko siya ni-love, dahil sa understanding niya sa akin, sa patience niya sa akin,” wika ni Paul nagkaroon daw ng trauma sa paghihiwalay ng kanyang mga magulang.

“Alam kong may kaunting bias ako noong time na ‘yon noong bata ako. Alam kong ngayon, both silang nagkamali roon, kung ano man ‘yong naging sitwasyon na ‘yon,” pagbabahagi ng aktor. “Dumaan po sa akin ‘yong trauma na, ‘yong ‘pag iniiwan ng ka-relationship, like sa girlfriend noon. Hindi ko po alam ‘yon hanggang sa makilala ko ito (Mikee). At parang siya pa ‘yong nakakita noon sa akin.”

Aminado rin si Paul na hindi naging maganda ang epekto ng pagkakaroon niya ng trust issues sa mga nauna niyang relasyon.

“Kaya rin po, Tito Boy, naging toxic dahil meron po ako sa sarili kong, nandoon na ‘yong trust issues ko, nandoon na ‘yong tamang hinala ko. Aminado po ako sa sarili ko, sobra pa ako sa seloso. Kasi feeling ko kaunting time lang na may makausap lang na ibang lalaking kaibigan ‘yung nagiging karelasyon ko, feeling ko lolokohin na ako,” wika niya.

Dahil dito, labis na ipinagpapasalamat ni Paul ang pagdating ni Mikee sa buhay niya, “Sa lahat ng struggles, kasiyahan, growth, gusto ko siya ‘yong kasama ko.”

Saad naman ni Mikee, “Hindi naman ‘yon mawawala. And sana kapag may mga times na nati-trigger ‘yong traumas natin both, I want to assure you na hindi mo kailangan mag-isip o kabahan kasi ikaw naman lagi kong pipiliin kahit mahirap.”

Panoorin ang recent guesting ng magkasintahan sa Fast Talk with Boy Abunda: