Nadine Lustre naglabas ng kanyang unang vlog, ‘My name is Nadine’

Dalawang linggo matapos maglabas ng kanyang intro video sa kanyang YouTube channel, ang 29-anyos na si Nadine Alexis Paguia Lustre, na mas kilala bilang Nadine Lustre, ay nagbahagi na ng kanyang unang vlog.

Pinamagatan niya itong “My name is Nadine“.  Bilang caption, ibinahagi niya na “editing this video was a trip!
lot of challenges and long nights but all worth it. enjoy”.

Sa ilang oras lamang ay nakahakot na ito ng mahigit 70K views.

Sa video ay ipinasilip niya ang ilang masasayang sandali ng kanyang kabataan. Sinimulan niya ang paglalahad sa kanyang baby pictures. “I was born on October 31st, 1993.”

Ibinida rin niya ang kanyang masayang panahon bilang bata kasama ang kanyang mga kalaro. Ilang video clips ang ipinakita niya kasama ang mga kababata.

Inilahad din niya na bilang bata hindi siya mapakali at laging curious sa mga bagay sa kanyang paligid. “When you’re a kid you’re just curious about everything,” natatawang kinuwento niya.

Naisingit din niyang takot siya sa mga multo. ‘

“I was really scared of ghosts. That was one thing that terrified me the most. I always thought our house was haunted, for some reason. I dunno… I don’t know why,” pag-amin pa niya.

Naikuwento tuloy niya nang pinrank siya ng kanyang ama at tinakot. Galit na galit umano siya dahil dito at hindi niya kinausap ang kanyang Daddy buong gabi. hahaha

Mayroon din pala siyang best friend noon na madalas niyang kinakausap; ang kanyang caterpillar na stuff toy – si Cathy!

Naging mahilig din siya sa musika dahil bahagi ito ng kanilang tahanan.

“Music was such a big part of my childhood,” sabi niya sa isang bahagi ng kanyang vlog. “I like to believe that I have a good taste in music. It’s all thanks to my parents.”

At some point umano ng kanyang kabataan ay pinangarap din niyang maging voice actor at pintor. Nagkahilig din siya sa photography nang una siyang nagkaroon ng digital camera.

Bukod dito, ibinahagi rin niya ang ilang larawan ng kanyang paglalakbay sa industriya ng showbusiness bilang batang aktres at performer. Nagsimula din siya mag-hosting para sa isang kids variety show; nagkaroon ng sayawan, kantahan at iba pa.

“I knew I love performing,” aniya. Ipinakita niya ang ilang clips ng kanyang mga pagtatanghal.

Samantala, nagpasalamat siya sa mga kapamilya at mga kaibigan na naging source ng kanyang amazing moments. Aniya, “special thanks to: family and friends who documented these amazing moments.”

Panoorin:

Ang actress/singer ay sumibat ang pangalan matapos niyang gumanap sa lead role bilang Eya Rodriguez sa pelikulang “Diary ng Panget” kasama si James Reid na naitambal sa kanya kaya’t nabuo ang JaDine tandem. Naging bukambibig din siya dahil sa teleserye na “On the Wings of Love”, at nang lumabas ang mga pelikula niyang “Never Not Love You”, “Ulan”, at Indak.