
“Thanks for the 100k subscriptions on youtube!” 🤍 Iyan ang mensahe ng pasasalamat ng 29-anyos na si Nadine Alexis Paguia Lustre, na mas kilala bilang Nadine Lustre, sa kanyang Instagram post nitong Marso 10, araw ng Biyernes; ilang araw matapos niyang ilunsad ang una niyang vlog.
Larawan niya habang kumakanta ang inilakip niya sa kanyang pasasalamat post.
Dalawang linggo matapos niyang gawin ang kanyang intro video sa kanyang bagong gawang YouTube channel, ay ibinahagi naman niya ang kanyang “My name is Nadine“ vlog.
Bilang caption, ibinahagi niya na “editing this video was a trip! lot of challenges and long nights but all worth it. enjoy”.
Ipinasilip niya sa kanyang unang vlog ang ilang masasayang moments ng kanyang pagiging bata. Sinimulan niya ang paglalahad sa kanyang baby pictures. “I was born on October 31st, 1993.”
Sunod na mapapanood ang kanyang masasayang panahon ng kabataan kasama ang kanyang mga kalaro at kaklase. Ilang video clips din ang ipinakita niya kasama ang mga kababata at ikinuwento ang ilang bagay tungkol sa kanya.
Inilahad din niya na bilang bata ay hindi siya matahimik sa isang lugar at laging curious sa mga bagay sa kanyang paligid. Lakad ito nang lakad sa paligid.
Naging mahilig din pala siya sa musika dahil bahagi ito ng kanilang tahanan. Music lovers ang kanilang mga magulang at makikita ito sa mga videos na kuha sa loob ng kanilang bahay.
“Music was such a big part of my childhood,” sabi niya sa isang bahagi ng kanyang vlog. “I like to believe that I have a good taste in music. It’s all thanks to my parents.”
Basahin: Nadine Lustre naglabas ng kanyang unang vlog, ‘My name is Nadine’
Inilahad din niya na sa ilang panahon ng kanyang buhay bilang bata ay naging pangarap din niya ang maging voice actor at pintor. Nagkahilig din pala siya sa photograpiya lalo na noong una siyang nagkaroon ng digital camera na labis na nagpasaya sa kanya. Sari-sari ang kinukunan niya ng larawan.
Ikinuwento rin niya ang ilang bahagi ng kanyang journey sa industriya ng showbusiness — bilang batang host, aktres at performer. Nagsimula din siya mag-hosting para sa isang kids variety show na mayroon din umanong sayawan, kantahan at iba pa. Para lang silang naglalaro lalo pa’t nasa kids’ theme park sila.
Mayroon nang mahigit 630K views ang kanyang unang vlog at mayroon nang 2,875 comments of support and feedback as of posting.
Panoorin:
You must be logged in to post a comment.