
Noong Pebrero ay ipinagdiwang ng engaged content creators na sina Whamos Cruz at Antonette Gail Del Rosario ang first month ng kanilang anak na si Baby Meteor.
Ibinida nila ang garbage-collector bilang theme ng unang photoshoot ng anak nila na nagbibigay-pugay sa sipag at sakripisyo ng mga basurero.
Muli nilang minarkahan ang ikalawang buwan ng anak nitong Marso sa pamamagitan ng panibagong photoshoot ng kanilang bundle of joy bilang magtataho naman.
Kuwento ni Whamos, “Ang gusto ko kasing motiff para kay Baby, ayaw ko kasi nung medyo sosyal-sosyal.”
Ayaw nila umano yung karaniwan nang ginagawa ng mga magulang. Ang gusto nila ay yung inspirational, gaya ng iba-ibang marangal na trabaho tulad ng garbage collector na ginamit nila noong unang buwan ni Meteor, magtataho theme ngayon, at sa mga susunod ay magbabalot, traffic enforcer, jeepney driver, atbp. ‘Yung mga trabahong marangal kahit simple ang nais umano nilang tema sa bawat photoshoot ni Baby Meteor hanggang sa mag-isang taon ito.
Ipinakita ng couple sa video sa kanilang Facebook page ang behind-the-scenes ng photoshoot. Hindi madali ang tumayming ah hahaha. Pahirapan din makakuha ng good mood ng sanggol dahil naroon ang iiyak ito, sisimangot, o kaya ay aantukin o magugutom.
Napagod din sa photoshoot ang baby nang nasa ikalawang bahagi na sila! Napagod yata sa change attire kaya inantok? Siyempre, kahit tulog ay naki-pose din naman ang mga magulang.
Basahin: Whamos finlex ang kanilang 1st family picture ni Antonette; Baby Meteor may sarili nang FB page
Noong Enero 26, masaya rin nilang finlex ang unang larawan bilang isang pamilya.
Pagbabahagi ni Whamos, “1ST PICTURE WITH BABY METEOR AND MAHAL.”
Isinilang ni Antonette ang kanilang baby boy noong Enero 23 taong kasalukuyan.
Basahin: ‘Finally, engaged na kami!’ Antonette Gail masayang finlex ang special moment nila ni Whamos
Nitong nagdaang Valentine’s Day, lumabas na ang singsing na inaasam ni Antonette. Engagement day!
Sa ilang posts ay hindi napigilan ni Antonette na i-share sa kanilang followers ang masayang kaganapan. Lubos nang inilalagay ni Whamos sa tama at mabuti ang kanilang relasyon na para sa kanila ay pang-forever. Level up na!
“ITS A YES! 💍💖, ” sabi ni Antonette sa isa niyang happy post. “Akala ko matutulog lang kami ngayon. 🤣 Happy Valentines Day Everyone 🌻💛 Sinakto sa Valentines day hehe.”
Samantala, umabot na sa mahigit 3.3M views ang video ng photoshoot ni Baby Meteor sa FB page pa lang ni Antonette Gail at mahit 8.4K comments na ang bumuhos dito. Patunay na marami talagang nakaabang sa cuteness mo, Baby Meteor!
You must be logged in to post a comment.