
Pasasalamat… iyan ang paunang mensahe na ibinigay ni Maegan Aguilar para sa mga taong aniya’y tumulong sa kanyang kahit hindi niya kaano-ano o kakilala.
Sa isang video ay inilahad ng anak ni iconic OPM singer Freddie Aguilar ang mga kaganapan sa kanyang buhay matapos siyang magpositibo sa drug testing sa ilalim ng pag-aasikaso ng programa ni Senator Raffy Tulfo na RTIA (Raffy Tulfo In Action); dahilan upang iatras nito ang mga ipinangakong tulong kung nagnegatibo siya.
Aniya sa caption ng kanyang FB post, “What does a person that lost everything, that went back to zero & spiraled down the road of depression, who lost their sense of way and then got bulkied, harassed & ridiculed by the ridiculous, NEED?
A CHANCE. Not rehab.”
“REHAB helps addicts, meaning drug/substance dependent people. COUNSELING & a STRONG SPIRITUAL BOND helps ME-the down & depressed, the “beggar” that could not be choosy. Hindi ko na tagalugin balakayojan, i-google nyo anyamit, gi atay!! SHOUT OUT!!! Sa mga ganireng itsura pag maga stop, look and listen 🐵🙈🙉 BWAHAHAHA!!” 😂
May mga tumulong umano sa kanyang mga “strangers, people that I don’t know”. Nagbukas umano ang maraming pinto sa kanya.
“And why do I say it’s a hundred doors? We are now living in our own one-bedroom apartment…” Ibinida nito ang bago nilang tirahan kung saan lahat ng mga bagay doon ay bago at ipinakita pa ito sa kanyang video. “Binuhos ang hindi kayang ibigay ni Tulfo,” aniya.
“Anyway, sa ‘yo na pera mo. I don’t need your help. I don’t need rehab. If anything I need counselling. That’s what I need. If anything I need a listening ear, a shoulder to cry on. That’s what I need. I don’t need rehab na tuturukan ako ng kung anu-ano, anti-psycho, anti-depressant. It’s not for me, okay. And I don’t care kung ayaw n’yong maniwala, you wanna continue bashing me, go ahead, go ahead. Kasi ang balik sa akin blessings, ang balik sa akin simpatiya at pagmamahal ng mga taong may utak, hindi tulad n’yo…”
Tinawag pa niyang taong manggagamit ang senador “para sa content lang at wala nang iba.”
Sa pagtatapos niya ng video, aniya sa mga bumabatikos, “Watch me fly. I’m gonna show you. I’m gonna show you na mali kayo.” Nangbelat pa ito, “You didn’t win. You Lost. And I won. Goodbye.”
Back Story
Nadismaya si Sen. Raffy Tulfo matapos lumabas ang resulta na positibo si Maegan sa isinagawang hair follicle drug test noong Enero 20 matapos nitong dumulog sa programang RTIA para makahingi ng tulong para sa kanyang hyperthyroidism at sa pagiging homeless umano nila ng asawang si Oliver sa kasalukuyan. Pinangakuan ito ng full support kapag nagnegatibo sa resulta. Binigyan pa siya ng paunang tulong na P20K.
Ipinagpilitan pa rin ni Maegan na hindi siya adik at nakisama lamang umano sila para hindi mapahamak. “It was just one time sir.”
Nauna rito, inamin ng ama niyang si Ka Freddie na hindi pa niya tinatanggap ang kanyang anak na si Maegan na pumasok sa kanyang tahanan sa kabila ng apela ng huli.
“We are talking but she’s still not allowed in my house. Kasi nasa akin ‘yung anak niya si, Anaya. Pinag-aaral namin pati ‘yung isang apo namin si Sky na nasa bahay din,” wika ng legendary singer na 70-anyos na ngayon.
Paliwanag ni Freddie, gusto niyang baguhin muna ni Maegan ang sarili bago niya ito payagan na bumalik.
You must be logged in to post a comment.