
Sa kabila ng tagal ng panahon bilang magka-love team, marami ang umasa na magkakamabutihan ang noon ay tinatawag na AlKris na sina Aljur Abrenica at Kris Bernal, na paulit-ulit ding nililinaw sa mga interview na mabuting magkaibigan lamang sila sa likod ng kamera.
Pero magkaibigan pa rin kaya ang dating magka-love team hanggang ngayon?
Sa recent episode ng Fast Talk with Boy Abunda, naitanong ito ng host na si Boy Abunda.
Pabirong tugon ni Kris, “Half!”
Paliwanag ng aktres, hindi niya rin tiyak kung magkaibigan pa rin sila dahil hindi ito sumasagot kapag tinatanong niya kung maaari ba silang magkaroon ng collaboration sa kanyang vlog.
“Hindi niya ako nire-reply-an, e,” aniya. “Ilang beses ko na siya niyaya sa vlog ko, hindi niya ako nire-reply-an.”
Hindi naman nagdadamdam si Kris at bukas pa rin siya sa collaboration kasama ang dating onscreen partner. Nanawagan pa ito kung sakaling nanonood ang aktor.
“Nananawagan ako kay Aljur, baka naman puwede tayo mag-collab,” wika niya.
Sa kasalukuyan ay masaya na sa married life nila ng asawang si Perry Choi si Kris, na isa na ring businesswoman. Kamakailan lamang ay inanunsyo niya na magkakaroon na sila ng anak
“It happened–we weren’t really ‘trying’ but we were blessed with pregnancy! I can still remember I’ve felt a rush of different emotions when the test showed two lines,” aniya. “I already had suspicion weeks prior to finding out the good news but I was able to confirm it when something happened.”
[RELATED – Kris Bernal, Perry Choi magkakaanak na, ‘When Two Become Three’]
Pinasalamatan niya rin ang kabiyak sa pagmamahal at pag-aalaga nito sa kanya, “I just want to shift the spotlight to Perry, who has been very hands on in taking care of me. He put up with all my crazy mood swings, reminds me of the dos and don’ts of my doctor, makes sure I take my medicines on time, and the list goes on! Tama na! Emotional ako ngayon! Naiiyak ako just thinking about it!”
Panoorin ang recent guesting ni Kris sa programa ni Tito Boy:
You must be logged in to post a comment.