
Emosyonal ang naging birthday message ni Kim Chiu para kay Direk Lauren Dyogi na aniya ay unang taong naniwala sa kaniya.
Sa isang Instagram post ay nagbahagi si Kim ng mga larawan nila ni Direk Lauren mula nang sumali siya sa reality show na Pinoy Big Brother (PBB) noong 2006.
“HAPPY BIRTHDAY to the tatay ng bayan @direklauren. Direk I always say this to you but di ako mapapagod magpasalamat sayo ng paulit ulit! Looking back you are the first person who believed in me from chinese cutie ng Cebu to who I am now, you always have my back! And I am very much thankful for that,” sabi ni Kim.
Dagdag niya pa, marinig niya lang ang boses ni Direk Lauren ay kumakalma na siya. “Lagi mo pinapaalala sakin na ‘kaya mo yan!’ Whenever I hear your voice kumakalma ako and parang may feeling na secured ako. I guess lahat ng nakakausap mo direk ganito din nararamdaman nila,” sabi pa ni Kim.
Hiling niya para kay Direk Lauren ang magandang kalusugan. “I am thankful for you direk in so many ways, wish ko sa inyo to have good health always, e guide and e protect kayo ni Papa God in everything that you do.”
“You have been a blessing to many and praying for more blessings for you and more happiness and love!!! Cheers to life direk!!! Enjoy your special day!!! Love you so much!!!”
Si Kim ang itinanghal na Big Winner ng unang PBB Teen Edition.
Kamakailan lang ay nag-viral ang panayam kay Direk Lauren ng PEP Ph kaugnay sa kontrobersyal na pahayag ni Liza Soberano sa kaniyang vlog tungkol sa kagustuhan nitong magdesisyon para sa kaniyang career.
“Iniisip ko na lang kung ano talaga yung gusto niyang sabihin. Minsan naman kasi it’s just a manner of how you say it, maybe she meant something else… Kaya lang her being outspoken sometimes, to some people, hindi yun dumadating nang tama but take it as it is, she is just saying that she wants to find her own self and she wants to explore it on her own and we should allow her that because it’s her life.”
You must be logged in to post a comment.