
Kapwa magbabalik-teleserye na ang Kapuso Primetime King and Queen na sina Dingdong Dantes at Marian Rivera, na naging abala sa pagpa-prioritize ng kanilang pamilya.
Sa Showbiz Saksi report ni Aubrey Carampel, ibinahagi ni Dingdong na excited na siya sa upcoming mystery-murder drama na Royal Blood; kung saan makakasama niya si Tirso Cruz III, Rhian Ramos, at Kapuso couple na sina Megan Young at Mikael Daez. Natutuwa raw ang aktor na tila reunion project ito para sa kanya at sa ibang mga artista na nakatrabaho na niya sa mga naunang proyekto.
“Halos lahat talagang reunion namin. Isang pagsasama ulit,” wika ni Dingdong.
Marian’s upcoming series
Samantala, nagbigay naman ng hint si Marian sa kaniyang magiging teleserye, “Sobrang ganda ng story niya. Tapos, very light lang at mapapanood ng mga anak ko so iyon ang mahalaga sa akin.”
Pinaghahandaan naman ni Marian kung paano ang magiging adjustment ng kanilang mga anak na sina Zia at Sixto sa pagbabalik taping niya.
“Sabi ko rin kay Dong na ‘pag nagkataon na kailangan ko na mag-taping siguro kailangan natin sila i-sit down, especially Zia, na parang explain natin kung bakit gusto ko na magtrabaho or ano ‘tong trabaho na ‘to. At lahat naman ‘to ginagawa namin para sa kanila,” wika niya.
Tiyak na ikatutuwa naman ito ng kanilang supporters, kabilang na ang mga miyembro ng DongYanatics na kamakailan ay nakasama ng celebrity couple sa kanilang 15th anniversary.
“We can hardly believe it’s been 15 years since we first met this amazing group. They’ve been with us through thick and thin, and have seen us grow from a loveteam in MariMar to a married couple with kids. But more than that, they’ve become our dear friends and confidants, who’ve supported us not just on screen but in our personal lives as well. We’re truly blessed to have them in our lives,” saad ni Dingdong sa isang Instagram post.
“So on this special occasion, we want to give a shoutout to all the members—past and present—who’ve made DongYanatics what it is today. Your love and loyalty mean the world to us,” sabi pa nito.
You must be logged in to post a comment.