
Nag-viral sa social media ang reaksyon ng isang batang lalaki nang unang makita ang Jollibee mascot nang personal na ikinatuwa naman ng mga netizen.
Sa video ay makikita na nakatulala ang bata na nakilalang si Jair Primo. Titig na titig ito at hindi maialis ang paningin sa mascot sa isang fast-food store.
In-upload ni Joan Borral o “Duuuuuan,” ang ina ng bata, sa kanyang TikTok account ang video clip na mabilis kumalat online.

“Paano ko kaya maiuuwi ‘to si Jollibee?” ani Duuuuuan.
“‘Yung first time mong mameet si Jollibee in person,” mababasa sa post ni Joan.
Kuwento ng ina sa Pilipino Star Ngayon Digital, “First time po kasi niya makita si Jollibee, kaya grabe na lang titig niya.”
Matapos ang ilang sandali ay nagbahagi muli ng video ang ina, makikita na masaya na at lumapit sa maskot at nakikipaglaro na ito.
“Eto na po ang mga sumunod na eksena with @Jollibee,” sabi ng uploader na makikitang nakikipag-high five na ang bata.

Bumuhos ang komento mula sa mga netizen sa napaka-cute na bata sa naging reaksyon nito pagkikita sa naturang mascot;
“Sa isip siguro nung bata gumagalaw pala ito 😂😂”
“HAHAHHAHAHA ang cute”
“cute 😍 haba ng pilikmata”
“The Kid is Too Stunned to Speak 😂”
“Bat daw kasi kanina sa entrance ‘di naman siya gumagalaw😂”
“Cute naman reaction ni baby🥰 na amaze siya kay Jollibee😅”
“Love at first sight”
Ang Jollibee, ang iconic na Filipino fast-food chain, ay kilala sa masasarap na pagkain lalo na ang crispy fried chicken at masarap na French fries, na paborito at kilala ng mga kabataan.
You must be logged in to post a comment.