Jennica Garcia todo papuri sa isang lady Grab driver

Proud na ibinahagi ng aktres na si Jennica Garcia ang karanasan nang maging pasahero siya ng isang babaeng Grab driver kamakailan.

“In light of women’s month, I want to flex a beautiful and hardworking lady who is a Grab Driver. She very kindly asked if we can have a photo together. I obliged and asked if we can have a photo together on my phone as well. Pumayag si Ate at ito ang resulta,” ani Jennica sa isang Facebook post.

Nagkataon din na kapangalan ng driver ang karakter na ginampanan ni Jennica noon.

“Ang surreal sobra gawa ng tanungin ko siya ng pangalan niya, Carol daw po. Carol din ang panagalan ko sa #Fractured under ABS-CBN at Dreamscape Entertainment. I became her passenger on the same day we were launched to star a new series for iWant. Aliw noh? Ang galing.”

Todo rin ang papuri ni Jennica para sa lady driver na aniya ay hindi umiinit ang ulo kapag masikip ang daloy ng trapiko.

“Ang linis ng sasakyan ni Ate Carol at mahusay siya magmaneho. Hindi rin umiinit ang ulo pag traffic. Salamat sa serbisyo mo Ate Carol. Stay safe, always,” sabi pa ni Jennica.

Nag-iwan naman ng komento si Carol sa post ni Jennica upang magpasalamat sa magandang komento nito sa kaniya. Natuwa rin siya dahil maraming netizen ang nagsasabing kahawig niya ang aktres na si Manilyn Reynes.

“Hello mam Jenica. Kumusta po? Maraming salamat sa inyong magandang comment regarding sa maayos ko pong serbisyo bilang isang part time Lady Grab Driver. Labis po ako nasisiyahan at nakakataba ng puso,” aniya.

“Salamat din po sa mga nagcocomment na kamukha ko po si idol mam Manilyn Reynes. Sana mapansin nya po ito. Goodluck po mam jenica sa mga bagong darating na mga projects. Sana makasakay ko po kayo uli! Ingat palagi at GOD BLESS YOU!”

Samantala, ilang netizens naman ang nagsabing proud sila kina Jennica at Carol na parehong madiskarte.

“Ang ganda din ni ate Carol kahawig ni Manilyn Reynes… Ingat po ate napaksipag at madiskarteng babae.. Salute po sayo.. Salute din sayo Jennica Garcia. Salute sa mga inang gumagawa ng paraan para maiangat ang buhay at mabigyan ng magandang kinabukasan ang mga anak,” komento ng isang Facebook user.