
Nagsalita na si James Reid sa gitna ng maugong na isyung nag-uugnay sa kanila ni Issa Pressman.
Marami ang nakapansin sa mga larawang ibinahagi ng dalawa sa kanilang Instagram account nang dumalo sila sa concert ni Harry Styles kamakailan. Sa isa sa mga larawan ay makikitang tila magkahawak pa sila ng kamay.
Si Issa ang itinuturong third party noon sa hiwalayan nina James at ex-girlfriend na si Nadine Lustre. Ngunit pinanindigan ni James na wala itong katotohanan. “I’m only gonna say this once. The past rumors about Issa are just that, rumors,” aniya sa ibinahaging Instagram story.
“I usually NEVER address bashers or get involved in hate culture but I feel the need to speak up now because this is the start of something beautiful. And I’m not gonna let anyone take that from me.”
Dagdag niya pa, masaya siya ngayon. “All you need to know from me is that I’m the happiest I’ve ever been.”
Dahil sa isyung ito ay naungkat ng netizens ang lumang post ng kapatid ni Issa na si Yassi Pressman noong 2020.
“Hindi po papatol ang kapatid ko sa mga sinasabi ninyo. Pero bilang Ate, hindi ko naman po yata kayang panuorin na patuloy po siyang binabato ng mga masasakit na salita dahil nananahimik siya,” sabi noon ni Yassi.
Nagbahagi rin sila ng larawan nila ni Nadine at sinabing noong una ay natatawa lang sila sa mga nabasa ngunit kalaunan ay hindi na tama ang mga kumakalat na isyu.
“This was me and Nadz last night, watching how some of us become cruel over untrue statements. Initially, we all laughed about how crazy the things that woke us up yesterday were, and then… they started getting out of hand, at di na yun tama.”
Sinabi niya rin na maayos silang lahat at nagpaalalang matutong rumespeto sa iba.
You must be logged in to post a comment.