Ivana Alawi, idinaan sa pagiging ‘street vendor for a day’ ang pagbibigay-saya sa mga tagahanga, subscribers

Muli na namang umarangkada sa lansangan si Ivana; ang ‘most subscribed Filipino celebrity’ sa YouTube na may 16.3M followers. Idinaan niya sa pagiging ‘street vendor for a day’ ang pagpapasaya sa kanyang mga followers at subscribers at nag-share ng kanyang blessings sa pamamagitan ng nakatutuwang Q&A style sa mga taong ‘bumili’ sa kanyang paninda.

Ang 26-anyos na magandang Filipino actress, model, at content creator na CEO rin ng kanyang skincare brand busiiness na ‘Ivana’ ay madalas magbalik ng biyaya sa kanyang mga tagahanga at followers.

Si Mariam Sayed Sameer Marbella Al-Alawi, na mas kilala sa industriya ng showbusiness bilang Ivana Alawi, ay hinahangaan din dahil sa kanyang angking kariktan, kababaang-loob at kabaitan.

Itinuturing siyang isa sa mga pinakasikat na social media influencers ng kanyang panahon. Bukod sa pagkakaroon ng titulong ‘most subscribed Filipino celebrity on YouTube’, kinilala rin siya ng Google bilang “Top YouTube Content Creator” sa Pilipinas sa dalawang magkasunod na taon.

Talagang nakikihalubilo siya at pumupunta sa mga lugar na nais niyang bahaginan ng biyaya na natatanggap niya. Marami na rin siyang natulungan kaya lalo siyang minamahal ng mga tagahanga.

Basahin: Ivana Alawi ipinagdiwang ang 15 million subs sa YT, namigay ng food packages at cash

Sa kanyang pagiging ‘street vendor for a day’, pinili niyang maging tindera ng fishballs, kwek kwek atbp. Kilig ang may-ari ng food cart na inarkila niya. Ang mga bumibili ay binibigyan niya ng pagkakataong bumunot ng tanong at kapag nasagot ay may instant P1,000 pesos ito. Kapag naipakita ng bumili na subscriber siya ng vlogs ni Ivana, may dagdag pang P1,000!

Hindi lamang sa isang lugar pumuwesto si Ivana, Pinaandar niya ang sidecar ng vendor at naglibot-libot pa kaya’t mas maraming naabot na lucky customers.

Basahin: YouTube channel ni Ivana Alawi may mahigit 1 billion views na

Madadali lamang naman ang mga tanong kaya’t masasaya ang mga nakasagot. Marami din namang nabenta, pero mas marami yata ang kumuha ng larawan ni Ivana at mas maraming natuwa dahil kakatanggap ng premyo mula sa kanya.

Panoorin at makisaya sa kanila: