
Naging emosyonal si Eric “Eruption” Tai sa kanyang bagong blessing na natanggap; nang magkaroon ng kauna-unahang solong billboard.
Sa kanyang Facebook post sinabi niyang masaya siya na nakapagbigay inspirasyon siya sa iba. Ikinuwento ng aktor kung paano niya tiniis ang maraming pagsubok at napagdaanan na hirap sa buhay bago nagkaroon ng solong billboard.
“I lived out of a suitcase for 5 years.
I didn’t own anything but a phone, some clothes and 2 pairs of shoes.
I almost got evicted because I couldn’t pay the electricity bill. I would sleep at an internet cafe coz I had no other place to stay and because of my addiction to Dota. I went to over a thousand auditions / vtrs for commercials, ramp, billboards and even promotizing,” aniya.
Matapos ang 15 taon, sa wakas ay natupad na ang kanyang pangarap na magkaroon ng billboard na makikita sa SLEX Mamplasan north bound.
Sinabi ni Eruption na kung makikita ng isang tao ang kanyang billboard, dapat tandaan na ang mga pangarap ay maaaring matupad at anumang bagay ay laging posible.
“It may not happen now or even in a few months or even years. Just keep working hard in refining your skills and talents in order for you to achieve it. And don’t stop believing in yourself. Kayang kaya yan,” saad ni Eruption.
Matapos ang kanyang post ay nagpasalamat siya sa Panginoon at nagbahagi ng pagpapaalala sa iba na ang Ama ay laging nasa tamang oras at ibibigay Niya ito sa tamang panahon.
Si Eric Tai, na kilala rin bilang Eruption, ay isang artista, modelo, TV host, komedyante at rugby union player na ipinanganak sa Tonga. Dati din siyang naging isa sa mga host ng “It’s Showtime”
Basahin: Eruption, binasag ang katahimikan; bakit nga ba tinanggal sa ‘It’s Showtime?’
Kamakailan ay sinagot ni Eruption ang “hiwaga” ng kaniyang pag-alis sa programa sa panayam ni TV-5 news anchor at journalist Julius Babao.
You must be logged in to post a comment.